top of page

57 OFWs na pa-Abu Dhabi, na-stranded sa HK, nakauwi na

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 7 hours ago
  • 1 min read

ni Gina Pleñago @News | March 3, 2026



Bureau of Corrections

Photo: Ang mga overseas Filipino worker na na-stranded sa Hong Kong International Airport matapos ma-cancel ang kanilang flight pa-Abu Dhabi dahil sa nangyayaring tensyong  sa Middle East. (Gina Pleñago)



Ligtas na nakauwi sa Pilipinas kahapon ng umaga ang 57 overseas Filipino workers (OFWs) na na-stranded sa Hong Kong International Airport matapos ma-cancel ang kanilang mga flight patungong Abu Dhabi dahil sa tensyon sa Middle East.


‎Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), bago pa ang departure papauwi na ang mga stranded na OFWs, naihatid na ng Migrant Workers Office (MWO) ang mga kaukulang tulong. Partikular ang airport assistance, basic needs at referrals na kanilang kailangan.


Sa ngayon, kasalukuyang naka-standby ang iba pang tauhan ng MWO sa Hong Kong International Airport para ihatid ang assistance sa mga naiwan pang OFWs.


Kabuuang 132 stranded OFWs patungong Riyadh at Dubai naman ang naasikaso at nabigyan ng suporta habang hinihintay ang updates at susunod na travel arrangements.

Sa nasabing bilang, 47 OFWs ang binigyan ng airline tickets para makabalik sa Pilipinas habang inaayos ang kanilang deployment at iba pang dokumentasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page