top of page
Search

ni Ambet Nabus @Let's See | October 1, 2025



Jinggoy Estrada - Senate PH

Photo: Shuvee at Vice / FB


Marami pa rin ang nagugulat kung bakit umano matindi ang pagtatanggol na ginagawa ni mismong GMA-7 top executive Atty. Annette Gozon kay Shuvee Etrata.


Matapos kasing bonggang mabatikos ang Pinoy Big Brother (PBB) alumnus nang dahil sa pagiging DDS (diehard Duterte supporter) daw nito at may isyu pa raw sa It’s Showtime (IS) hosts na sina Vhong Navarro at Jhong Hilario, at lalo na kay Meme Vice Ganda, hindi na tinantanan ng intriga si Shuvee.


Sa panayam sa kanya ni MJ Felipe sa TV Patrol, nagpaliwanag itong bunsod ng kabataan ang kanyang mga saloobin na lumulutang ngayon na mga lumang videos. Kahit ang pag-‘eww’ niya kay Vice ay dahil lang umano sa pagiging bahagi nito ng vlog niya.


At dahil mukhang ngayon lang daw naging ‘committed’ itong si Atty. Annette na magtanggol o kumampi sa artist nila, kinukuwestiyon tuloy ang iba nilang mas sikat daw na mga celebrities na nagkaroon ng mas matitindi pang gusot and yet, dedma raw ang management?



Kung pagbabasehan ang body language nina Angela Muji at Rabin Angeles, napakadaling sabihin na may mas malalim na silang ugnayan sa ngayon.


Sa katatapos na “thank you” mediacon para sa pagtatapos ng series nilang Seducing Drake Palma (SDP), hindi lang sila komportableng magpalitan ng mga nakakakilig na salita at papuri sa isa’t isa, kundi maging sa mga simpleng titigan at tapikan, halatang may ‘something’ na sa dalawa.


May mga pagkakataon pang halos ayaw nilang maghiwalay sa pagkakadikit nila sa upuan na para bang sila’y mga bagong kasal.


“Sino ba naman ang hindi kikiligin sa kanya? Yes po, GF material s’ya,” sey nga ni Rabin kay Angela na sinabi niyang kamukha nga raw ng showbiz crush niyang si Nadine Lustre.

Kapuna-puna rin ang mas mahusay na pagsagot ni Angela sa mga tanong lalo’t para sa kanya ay hindi naman daw puro kilig ang nararamdaman niya sa leading man. 


“Physically, mahirap talagang i-resist ang ganda ng mga mata n’ya. Pero more than that, ‘yun pong sense of humor at sipag n’ya sa trabaho ang hinahangaan ko. If ever man na ipareha kami sa iba soon, wala namang isyu dahil nandito kami to work,” pahayag pa ni Angela.


But then again, since malakas nga ang kanilang tandem, muli silang magsasama sa movie project na A Werewolf Boy (AWB). Yes, after ng TV series, sa movie naman masusubukan ang power ng love team nila.



KUNG pinuri nang husto ang SB19 nang dahil sa pagkanta nila ng Kapangyarihan ng Ben & Ben sa Tokyo, Japan concert nila, ganoon din ang tinanggap na papuri ng grupo nang awitin din nila ito sa closing ceremony ng FIVB sa SM Mall of Asia (MOA).


Nang dahil nga sa napapanahon ang mensahe ng song at dahil kilala ang SB19, natural din silang sinuportahan ng mga Pinoy na galit na galit na nga sa mga usaping-bayan.


Pero iba pa rin ang original ‘ika nga. Sa presence ng 32 countries na lumahok sa pagtatapos ng world men’s volleyball cup na rito nga ginanap, ang Ben&Ben nga ang nag-perform.


Inawit nila ang bagong kanta nilang TRIUMPH na pinalakpakan ng mga dayuhang bisita, pero nang awitin na nila ang Kapangyarihan, naku po, talagang dumagundong na ang buong Arena.


At dahil binisita nga rin tayo ni Sen. Leila Barros, ang volleyball icon at legend na sumikat dito sa atin in the late ‘90s and early 2000s, ito na rin ang nag-anunsiyo na sa 2029 ay ang Pilipinas nga ang magho-host ng World Women’s Volleyball Cup.


Isa nang senador sa Brazil si Leila na kilalang-kilala pa rin ng madla at sobra pa rin itong pinapapurihan ng lahat, and yet, humble pa rin ito at very sweet sa mga Pinoy fans.


Naku, Mareng Ateng Janiz, na hindi umabot sa aming paanyaya nu’ng may pa-presscon sa kanya, may iba pa kaming tsika on her dahil minsan din siyang naging laman ng TV shows noong araw at marami ring mga male and female celebrities natin ang nabaliw sa kanya. Hahaha!


 
 

ni Rohn Romulo @Run Wild | October 1, 2025



Rhian Ramos - IG

Photo: Kristine Hermosa-Sotto - IG


Sa edad na 42 at may anim na anak, parang hindi pa rin nagbabago ang kagandahan ni Kristine Hermosa-Sotto.


At sa tuwing may survey, kasama palagi siya sa listahan ng pinakamagagandang aktres sa Pilipinas at palagi siyang nagta-top, habang kasama rin si Marian Rivera-Dantes (41) na may dalawang anak naman.


Kaya naman inamin ni Kristine, “Nape-pressure na ako, kasi tumatanda na ako. Parang bawal tumanda, bawal magka-wrinkles. Pero I’m really flattered, thank God for that,” dagdag pa niya nang makatsikahan namin after ng ribbon cutting sa grand opening ng Skinlandia branch sa McKinley Hill na pag-aari ng GMA actress na si Jess Martinez.


Si Kristine ang special guest sa opening ng bonggang Skinlandia branch. Dahil magkaibigan sina Shyr Valdez at Dina Bonnevie (na bumuo ng House of D YouTube show) na mother-in-law ni Kristine, napapayag siyang mag-cut ng ribbon.


At dahil napapanood si Kristine sa House of D (HOD) kasama si Oyo, mag-asawang Danica Sotto at Marc Pingris at siyempre, si Ms. D, marami ang nag-aabang kung kailan naman siya papayagan ni Oyo na magbalik-teleserye.


“Actually, wala naman po talagang problema kay Oyo,” sagot niya.

Paliwanag niya, “Sa totoo lang, gusto ko talaga, nami-miss ko rin po talaga. Except for the demands sa isang teleserye. May 6 akong anak, may asawa ako, so ‘di na s’ya ‘yung katulad ng dati na puwede nila akong tawagin in the middle of the night, puwede nila akong hatakin dahil may kailangang i-shoot, things like that. So, hindi ko ‘yun mako-commit talaga.”

Hirit pa ni Kristine, “Pero kung mayroong sitcom, okay naman, kasi medyo magaan ang trabaho. Katulad nitong House of D, ang sarap ng feeling, na-miss ko na mag-ayos ng hair at mag-make-up. Nakaka-miss talaga, s’yempre I grew up doing this.”


Well, kailan kaya magbabalik-showbiz ang diyosang si Kristine Hermosa?

Samantala, si Shyr Valdez pala ang naka-discover kay Jess Martinez kung kaya’t magkasama na sila sa Artist Circle management ni Rams David.


Ayon naman sa mommy ni Jess na si Jessieden Ali Martinez, wala raw silang ibang choice kundi si Kristine Hermosa na totoo namang ultimate symbol of glow and beauty.

Kuwento ni Jess, “Doon naman po sa si Ms. Kristine na s’ya lang ang only choice, kasi for me, I believe hindi lang po physically beautiful si Ms. Kristine but she radiates so much positive energy. And I watched one episode of House of D, the first episode, sobrang family-oriented din po s’ya. And then, naka-center talaga si God sa buhay n’ya kaya I believe it’s also why she’s beautiful po.”


Reaksiyon naman ni Jess na si Kristine ang naging special guest sa ribbon cutting ng Skinlandia second branch, “Oo nga po, nagulat nga po ako. Nanginginig nga po ako ngayon, ang lamig po ng kamay ko. Katabi lang po kita (Kristine) ngayon ay isang karangalan na po. Sobrang saya ko po, sobra.”


Ang first branch ng Skinlandia na pag-aari ni Noreen Divina (founder at CEO ng Skinlandia at Nailandia kasama ang husband na si Juncynth Divina) ay matatagpuan sa basement ng SM Fairview.


Ilan sa mga naging shows ni Jess sa GMA ay ang Abot-Kamay Na Pangarap (AKNP) ni Jillian Ward at Sanggang Dikit FR (SDFR) nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

 
 

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 1, 2025



FB Jason Abalos

Photo: Jason Abalos



“Nakakainggit nga, eh,” birong sabi ni Jason Abalos, bagong halal na provincial board member sa lalawigan ng Nueva Ecija, nang tanungin tungkol sa isyu ng flood control projects.


Wala raw siyang kinalaman sa flood control issues sa nasabing lalawigan dahil hindi ito dumadaan sa kanya.


“Wala kayong makukuhang sagot sa akin. Nakakainggit nga, eh. Hahaha!” sey ni Jason.

May nakausap din kaming iba na hindi senador, congressman o mayor, pero nagtatrabaho rin sa gobyerno at nagbiro rin dahil bilyones at hindi lang milyones ang usapan tungkol sa flood control, kaya talagang napapa-“sana all” daw sila.


Pero sa kabilang banda ay hindi rin naman nila ito nais gawin, lalo na si Jason na tinitiis na hindi makita ang mag-ina sa loob ng 5 araw dahil sa trabaho niya sa Nueva Ecija.

“Kailangan nating magsilbi sa sinumpaan nating katungkulan,” saad ng aktor-pulitiko.


Weekends lang siya umuuwi sa Quezon City dahil dito nakatira ang misis niyang si Vickie Rushton at anak nilang si Baby Knoa na 2 ½ yrs. old na at kamukha ng ina.

Nakatsikahan namin si Jason sa birthday celebration ng kilalang owner ng Artista Salon na si Gio Anthony Medina kasama ang partners na sina Margaret Gaw at Lotis Reyes sa Panay Avenue, Quezon City.

Sabi pa ni Jason, kinakailangan pa rin niyang mag-showbiz at naghihintay siya ng alok

ng GMA-7 kung saan may kontrata siya at si ‘Nay Gio, ang kanyang manager.


“Sa mga may inquiries, kay Nanay (Gio) lahat,” saad ni Jason.



Tinanong din namin kung paano niya napagsasabay ang pag-aartista at pagiging bokal sa Nueva Ecija.


“Time management. Mahirap ngayon kasi may anak na ako kaya’t kailangan talagang bantayan din. Pati tiwala ng tao na ipinagkatiwala sa atin, kailangang tuparin,” sagot ni Jason.


Nakasama si Jason sa seryeng Lilet Matias: Attorney at Law (LM:AAL) nu’ng 2024, pero umikli ang karakter niya. 


Aniya, “Nag-campaign po kasi kaya kailangan kong magpaalam, kaya ngayon po ay naghihintay ako ng bagong offer nila.”


Bukod sa pagiging bokal sa kanilang lalawigan, isa pang nakaka-excite na ginagampanan ngayon ni Jason ay ang pagiging daddy ni Knoa Alexander.


Sabi niya, “Napakasarap po, walang kapantay ang pagiging daddy. Medyo late na ako (nagkaanak sa edad na 39). Masarap maging mabuting tao kasi gusto ko ‘pag lumaki s’ya (Knoa), sasabihin sa kanya, ‘Ang tatay mo, mabuting tao.’”


Sa edad na almost 40 ni Jason ay natanong namin kung kaya pa niyang makipaghabulan sa anak.


“Kaya pa, kaya pa rin kahit lima pa (dagdagan ang anak),” nakangiting sabi nito habang nakatingin sa asawang si Vickie Rushton.




McasrsPH


SI Boss Toyo at mga kilalang influencers at artista ang mga suki ng Mcars Ph sa ginanap na grand launch kamakailan sa Music Box, Timog Avenue, Quezon City.

Ang Mcars Ph ay pag-aari ni Jed Manalang at nakipag-collab sa Socia CTO na si Reiner Cadiz at Josh Mojica, CEO ng Kangkong Chips Original at Socia web developer. 


Dumalo rin sa press launch ang head ng Metropolitan Manila Development Authority’s (MMDA) Special Operations Group-Strike Force (SOG-SF) na si Gabriel

Go.


Ang Mcars Ph ay isang car dealership na nakabase sa Malabon City na dalubhasa sa pagbebenta ng mga bago, pre-owned at “assume balance” na sasakyan. 

At dahil maaaring kumuha ng kahit ilang sasakyan through Mcars Ph as long as kaya mong bayaran, tiyak na dagdag-trapik ito sa mga major roads na matagal nang reklamo ng mga netizens. 


Sa mayayaman at kilalang pamilya sa lipunan, umaabot sa 10 hanggang 12 sasakyan ang meron sila.


Kaya natanong si G. Gabriel Go (MMDA SOG-SF) kung hindi ba nila hihigpitan ang mga sobra-sobrang sasakyan na pag-aari ng isang pamilya lalo’t isa ito sa mga dahilan ng pagsikip ng daan, lalo na sa EDSA.


Aniya, “Wala po tayong batas na bawal bumili ng maraming sasakyan o dahil karapatan naman po ‘yun ng bawat indibidwal as long as kaya n’yang magbayad at maging responsable sa pagmamaneho at higit sa lahat, dapat po ay may sariling garahe para hindi na nakakaabala sa daan, lalo na sa Mabuhay lanes.”


Sabi ni Jed, ang dahilan kaya nakipag-collab ang Mcars Ph sa Socia ay para maka-develop ng online platform na magpapabilis sa pagbili ng sasakyan at para na rin ito sa mga gustong maging ahente ng kotse.


Sabi pa ni Jed, “Binisita ni Boss Toyo ang showroom ko one time sa Malabon. He wanted a car, pero sabi n’ya, gusto n’ya muna i-test drive. Ipinauwi ko na agad sa kanya. Sabi ko, bayaran mo na lang after kung magustuhan mo na. From then on, naging magkumpare na rin kami. Malakas ang hatak ni Boss Toyo sa mga kliyente. Hindi ko kayang bayaran ang talent fee (TF) n’ya!”


Naroon ang Mcars Ph ambassadors na sina Direk Art Halili Jr., beteranang aktres na si Dexter Doria, at komedyanteng si Patani. 


Sayang at hindi na namin naabutan si Boss Toyo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page