top of page
BIDA - DENNIS KAY GELLI- SISIHIN MO ‘YUNG NAGSIMULA NG GULO_IG _dennistrillo & _gellidebel
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 4, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 4, 2026 (Linggo): Nakakagulat ang dating ng mga suwerte mo sa last quarter ng taong ito, dahil hindi lang ikaw ang masosorpresa kundi pati na rin ang mga mahal mo sa buhay. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pansinin ang mga hadlang sa iyong mga kagustuhan. Sa katunayan, hindi naman sagabal sa iyo ang mga ito, dahil mga anino lamang ito na wala namang laman at wala ring buto. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-9-10-11-17-20-24.


TAURUS (Apr. 20-May 20) -  Iwasan mong magalit ngayon. Walang mabuting napapala ang galit. Sa pagiging mahinahon, nananatiling bukas ang isipan para sa pakikipagkasundo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-19-21-25-34-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Minsan, biglang humihinto ang tao sa kanyang pagsisikap dahil nasisingitan siya ng pag-aalinlangan. Hindi dapat itong mangyari ngayon. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-3-18-28-31-36-44.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang pumayag na maimpluwensiyahan ka ng hindi magandang kilos ng isang nilalang. Ituloy mo lang ang iyong ginagawa at sabihin mo sa sarili mo: “Wala kayong pakialam. Ito ay sarili kong buhay.” Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-12-22-30-35-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Nagkalat ngayon ang mga taong negatibo, na parang may sakit na nakahahawa. Kaya iwasan mong mapaniwala sa mga negatibong komento at payo nila. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-14-16-22-25-39.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pikit-mata mong gawin ang gusto mo. Minsan, kapag ang tao ay dilat, agad niyang napapansin ang mga puwedeng makagulo at makasira sa kanyang diskarte. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-18-21-37-40-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong hayaan na masira ang iyong magandang personalidad dahil lang sa sobrang pagkainis mo sa taong hindi naman dapat patulan. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-3-14-17-26-38-43.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maganda ang mamuhay nang mag-isa. Pero maganda ring makipagsosyalan upang sumaya at sumisigla ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-15-19-24-33-42.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maraming klase ang mga kaibigan. Ang iba ay saya ang dala pero hindi naman maaasahan sa panahon ng kagipitan. Huwag kang gaanong dumikit sa ganoong mga kaibigan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-15-27-34-36.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mapapahiya ang mag-aakalang ikaw ay mahina. Dahil sa ngayon at sa mga darating pang mga araw, makikita kang mas malakas kaysa sa mga nag-iisip na sila ay mas malakas sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-16-22-25-37-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Maggagalit-galitan ka ngayon. Sa unang tingin, mistula kang isang mabagsik na leon, pero sa katunayan, isa kang mabait na tupa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-14-17-24-37-44.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mong hayaan na istorbohin ka ng mga palaangal at mga reklamador. Walang magandang buhay na maaasahan ang mga taong ganu’n. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-16-25-28-30-43.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 3, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Oktubre 3, 2026 (Sabado): Kusa kang iaangat ng kapalaran mo. Kaya tiyak na makakahawak ka ng malaking kumpanya.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka manghihinayang sa mga pagsisikap mo dahil langit mismo ang magbibigay sa iyo ng gantimpala. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-10-19-24-39-43.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ididikit ka ng langit sa mga taong may maitutulong sa iyo, sila na puwede mong pakinabangan, at handang umalalay sa iyo hanggang sa matupad mo ang iyong mga ambisyon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-13-23-34-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Mapupunta ka pa rin sa itaas. Milya-milya ang magiging agwat mo sa mga kasabayan mo, at titingalain ka nila nang may paghanga. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-11-12-20-28-31.


CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka matatangihan ng iyong lalapitan. Subukan mo ito ngayon, at magugulat ka na ang hula para sa iyo ay magkakatotoo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-18-28-30-37-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Mag-utos ka at tiyak na masusunod ka. Ang mga taong hindi susunod sa iyo ay makakaranas ng pangit na kapalaran. Mahirap man paniwalaan, pero ito ang mangyayari. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-11-16-22-34-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon na ang pagkakataon mo para umabante. Kumilos ka at ang mga pagkilos mo ay papabor sa mga gusto mong mangyari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-19-26-31-39-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka makakatanggi sa mga taong lalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-17-20-25-27-38.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung sino ang mayabang, iyon ang mapapakinabangan. Kaya huwag mo silang layuan, sa halip ay iyong dikitan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-13-21-24-35-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muling ibinalik ng langit ang mga araw na ikaw ay buwenas. Huwag mong sayangin ang pagkakataon, na kung saan ay madali mong magagawa anumang gusto mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto- 4-15-18-26-32-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Umasta ka na nakuha at naabot mo na ang gusto mo. Isa itong pormula upang magtagumpay ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-13-23-27-30-36.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nag-aabang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran ang napakaraming pagkakataon na magkaroon ka ng masarap na buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-18-20-25-37-43.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Taglay mo ngayon ang kakayahang masagap ang motibo ng iyong makakaharap. Sa ganitong paraan, makakaiwas ka sa mga magtatangkang dumaya sa iyo. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-2-11-14-24-28-40.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page