top of page
MUST-WATCH VIDEOS
'Come back to me' ni RM ng BTS, nangunguna sa iTunes sa 82 bansa

'Come back to me' ni RM ng BTS, nangunguna sa iTunes sa 82 bansa

Play Video
ANG PAGTAKBO NG BULGAR BILANG MEDIA PARTNER NG TAKBO PARA SA KALIKASAN FIRE RUN SERIES 2024
02:22

ANG PAGTAKBO NG BULGAR BILANG MEDIA PARTNER NG TAKBO PARA SA KALIKASAN FIRE RUN SERIES 2024

TUMANGGAP ng plaque of appreciation ang aming publisher Michelle Sison-Tolentino mula sa bumubuo ng Takbo Para sa Kalikasan Fire Run first series ng Green Media Events bilang bahagi ng pagiging media partner ng pahayagang Bulgar sa naturang running event na idinaos sa Plaza Ulalim, CCP Complex, Pasay City noong Mayo 5, 2024 ng umaga. Kasabay nito ay inilunsad din ang pakikilahok ng aming mascot na si Bulgarito sa event na kinagiliwan ng mga runners lalo na nang umindak ito sa zumba at nagpaunlak pa ng selfie sa mga young and olds, salamat sa pagbibigay buhay sa kanya ni Bryan Quitzon at pag-alalay ni Johnrey Tismo. Nagkampeon sa 16km run sina Alex Gumanay Jr., sa oras na 59.27 at Melody Lantan sa 1:21.31. Siyempre, hindi nagpahuli ang Bulgar staff sa pagsali sa mga takbuhan ng 16km virtual run ni Anthony Servinio, sa 10km, 5km nina Mam Raquel at sir Marlon Tolentino, Jojit Abano, Mitch Maka, Gerli Gudes at 1km run nina Lolet Abania, Jenny Rose Albason at Mabel Vieron na sa gitna ng mainit na umaga ay tagumpay silang nakatapos ng kanilang mga ruta. Pinaka-exciting highlight sa Bulgar booth ang paghaba ng pila ng runners para makauna sa mga inihandang give-aways at papremyo sa pamamahala nina Fely Ng, Joy Asis, Mabel, Jenny Rose at Lolet. Para sa Bulgar Sports. Nympha Miano-Ang, nag-uulat. Siguraduhing naka-follow sa aming social media platforms para palaging updated: https://twitter.com/bulgarofficial https://www.facebook.com/bulgar.official https://www.instagram.com/bulgar.official https://www.tiktok.com/@bulgaritok https://www.youtube.com/@BulgarTV https://www.bulgaronline.com/ #takboparasakalikasan #firerun2024
Alagang Philhealth Ear AD Hemodialysis 2

LATEST STORIES

bottom of page