- BULGAR
- 2 days ago
ni Madel Moratillo @News | Apr. 29, 2025
Photo File: Labor Secretary Bienvenido Laguesma - salary BSP
Asahan umano ang dagdag-sahod sa mga minimum wage earner sa Metro Manila sa lalong madaling panahon.
Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, nakatakda nang masimulan ang wage review sa rehiyon.
Tinatayang nasa apat na milyong minimum wage earners at iba pang walong milyong manggagawa ang maaaring makinabang sa wage adjustments.
Ayon sa Kalihim, nasa 17 regional wage board na ang nakasunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. para sa deliberasyon ng 60 araw bago ang anibersaryo ng huling wage order.
Hinikayat naman ng DOLE ang mga naghahanap ng trabaho na samantalahin ang ilulunsad nilang 70 job fair sites sa May 1.
Nasa 170 libong local at overseas jobs ang iaalok dito.