Fni MC - @Sports | August 18, 2022

Sa tagal nang paghahari ni Brandon Vera sa ONE Heavyweight World Championship, nakasubaybay ito sa dibisyon na dati nitong pinagkampeonan.
Minamataang fighter ng Filipino-American star si Brazilian Jiu-Jitsu legend Marcus “Buchecha” Almeida. Si “Buchecha” ay may kartadang 3-0 sa kanyang batang mixed martial arts career, pero ang astiging heavyweight ay tila kinatatakutan sa husay nito sa submission grappling. Hawak ng American Top Team fighter ang 17 World Titles sa ADCC, IBJJF World Championship at mula sa Abu Dhabi World Cup at iba pang organisasyon.
Sa pagsusuri ni Vera, isang BJJ black belt, aniya ang submission game ni Almeida sa liga ay tila hindi matatakasan ng sinuman oras na masukol niya. “‘Buchecha’ is a heavyweight man, he’s flying around submitting all these big heavyweights with no problem,” paghanga ni Vera. “Dude, his takedowns look so beautiful and it’s not the technique of his takedowns that impresses me but the timing of his takedown, off the shots. Your back-and-forth motion, very impressive ‘Buchecha,’ I’ve been watching you.”
Matikas na ipinamalas ni Almeida ang kanyang BJJ game sa unang dalawang laban sa ONE Championship nang gapiin ang mga knockout artists na sina Anderson “Braddock” Silva at Kang Ji Won. Binago naman nito ang kanyang porma sa ikatlong laban kay Simon Carson at umiskor ng ground-and-pound knockout kontra Australian veteran.
Maituturing ni Vera na mataas na antas ng laban ang ginagawa ni Almeida na hindi basta natitibag. Naalala ni Vera, bilang dating heavyweight king kung paanong ipakita ng nakatatanda niyang mga kapatid sa kanilang nakababata ang mataas na level ng laban.
Panonoorin ni Vera muli si “Buchecha” sa isang maaksiyong bakbakan kung saan ang rising heavyweight contender ay haharap kay Belarusian fighter Kirill Grishenko sa ONE Fight Night 1: Moraes vs Johnson sa August 26 sa Singapore Indoor Stadium.