top of page
SPECIAL - MARICEL, NGIWI AT NANINIGAS ANG PANGA SA PAGSASALITA, DAHIL DAW SA DROGA_FB Mari

Diamond Star, binastos, piktyur ikinalat sa socmed… MARICEL, NGIWI AT NANINIGAS ANG PANGA SA PAGSASALITA, DAHIL DAW SA DROGA

Writer: BULGAR
BULGAR
49 minutes ago
4 min read

ni Janiz Navida @Showbiz Special | November 14, 2026



SPECIAL - MARICEL, NGIWI AT NANINIGAS ANG PANGA SA PAGSASALITA, DAHIL DAW SA DROGA_FB Maricel Soriano

Photo: FB Maricel Soriano



May mga nabahala, bumuo ng sarili nilang konklusyon, nakaramdam ng awa at meron namang mga nagalit sa latest na nag-viral na mga photos ni Ms. Diamond Star Maricel Soriano sa social media.


Hindi kasi kagandahan ang magiging impresyon ng kahit sinong makakita sa mga naturang larawan ni Ms. Marya kung saan obyus na ipinakita ang pagngiwi niya at paninigas ng mga panga habang nagsasalita na ikinahahaba rin ng kanyang baba.

Kuha ang mga naturang larawan sa latest mediacon niya ng kanyang MMFF entry na Haunted Carnival mula sa Regal Entertainment.


Kasabay ng pag-viral ng mga photos ng Diamond Star sa social media, naglabasan din ang mga espekulasyon at konklusyon ng mga netizens na iniuugnay ang kondisyon ng pagsasalita ni Maricel sa paggamit ng ilegal na droga.


Sinubukan naming hingan ng pahayag ang isang malapit sa Diamond Star. Aniya, wala siyang idea kung nakarating na ito sa magaling na aktres, pero sa ngayon, wala pa naman daw inilalabas na reaksiyon dito si Ms. Marya.


Pero kung siya ang tatanungin, bilang malapit at isa sa mga nagmamahal sa Diamond Star, sobrang foul daw ng paggamit sa photos nito ng kung sinumang nag-upload at nagpakalat. Halata naman daw na may motibo ang pag-post ng larawan para umani ng engagement at kumita ng pera sa social media.


Nalulungkot lang ang aming friend na nagmamahal sa Diamond Star dahil naturingan daw na isa sa mga icons ng showbiz si Maricel Soriano na napakalaki ng naging ambag sa industriya, pero hindi mabigyan ng respeto ngayon ng mga taong ang iniisip lang ay kumita at wala nang pakialam sa kapakanan ng kanyang kapwa.


Well, kesa pakinggan ang maingay na opinyon sa socmed ng mga netizens, mas gusto naming marinig ang personal na paliwanag ni Ms. Marya kung bakit ganu’n siya magsalita ngayon. 


Baka naman may something sa teeth niya kaya ‘di normal ang movements ng kanyang bibig at panga. Let’s wait for her statement.





It’s Showtime host, pinagtaasan ng kilay… “ATE GIRL” JACKIE, NEXT KINA MARIAN, PIA AT YASSI BILANG CALENDAR GIRL



OPISYAL nang ipinakilala last Thursday night ang pinakabagong Calendar Girl ng Ginebra San Miguel na si It’s Showtime! host Jackie “Ate Girl” Gonzaga.


Honestly speaking, nang bumulaga siya sa stage ay hindi namin siya na-recognize agad. Ilang sandali pang “pagsulyap” at pagtitig bago namin siya nakilala.


Para kasing may nabago sa face ni Jackie, o baka naman dahil lang din sa makeup?


Anyway, may ilang nagtaas ng kilay kung bakit si Jackie ang kinuhang bagong Calendar Girl 2027 ng Ginebra San Miguel (GSM) at inihilera kina Marian Rivera, Pia Wurtzbach, Yassi Pressman, Julie Anne San Jose, Sue Ramirez at iba pa.


Ano na raw ba ang napatunayan ni Ate Girl Jackie para siya ang maging mukha ni Ginebra at pagpantasyahan sa kalendaryo ng mga barako.


Pero in fairness, nang humataw si Jackie ng sayaw at ipinakita ang kanyang petite body, may mga nagtanggol naman sa kanya na sikat na rin siya ngayon dahil regular siyang napapanood sa It’s Showtime, bukod sa talented din naman siya.


Kahit naman si Jackie, aminadong nagulat din at hindi makapaniwala na siya na nga ang bagong Calendar Girl. Pero kesa bigyan ng pansin ang mga bashers niya at mga hindi tanggap ang kanyang bagong milestone, mas gustong patunayan ni Ate Girl Jackie ang kanyang “worth”, na deserving siya bilang GSM Calendar Girl 2027.


Lumalakas din ang confidence ni Jackie dahil alam niyang suportado siya ng kanyang It’s Showtime family na masaya sa bago  niyang achievement.


Samantala, natanong ang love life ni Ate Girl Jackie at aniya, “Hindi natin isinasarado ang doors natin sa love life pero kung may taong karapat-dapat na sabihan natin ng yes, why not?”


Isa sa mga nali-link sa kanya ang co-host niya sa IS na si Darren Espanto at pag-amin ni Ate Girl Jackie sa tanong namin kung naharana na ba siya ng singer, “Alam mo, naharana naman niya ako. Sobrang galing nu’n kumanta.”

So, kung manliligaw si Darren, open siya?


“Why not? Puwede naman!” diretsahang sagot ng bagong GSM Calendar Girl 2027.

Anyway, with “Sulyap” as the launch theme, ipinasilip na nga sa media ang 6 different layouts ng calendar ni Jackie kung saan iba’t ibang sides ng TV host-dancer ang nakita.


In fairness to Jackie, kahit naka-two-piece, wholesome pa rin at hindi bastusin ang dating ng kanyang mga poses sa calendar.





Happy para sa anak…

LOTLOT, MATAGAL NANG HANDA NA MAGPAKASAL SI JANINE KAY ECHO



NAPANOOD na rin namin ang music video at trailer ng pelikulang 40 Days na pinagbibidahan nina Elizabeth Oropesa, Dina Bonnevie, Snooky Serna, Lotlot de Leon at Ms. Perla Bautista sa ginanap na mediacon kahapon.


Music video pa lang at trailer, nakakaiyak na ang mga eksena sa psychological family drama na idinirek ni Louie Ignacio.


Kuwento ito ng inang bedridden na (played by Tita Perla) at kanyang mga anak na may kani-kanya nang sariling buhay, na magkakaroon ng mga ‘di pagkakaunawaan dahil sa health condition ng kanilang ina.


Tinanong namin si Ms. Lot after ng mediacon na kung sakaling mangyari ito sa kanya, sino kaya sa tingin niya sa mga anak niya ang mag-aalaga sa kanya.


“Lahat sila, for sure mag-uunahan ‘yan,” confident na pahayag ng aktres.

Bagama’t si Diego Gutierrez lang ang anak niyang lalaki – na kasama rin niya sa movie – wala raw siyang favoritism sa kanyang apat na anak.


Natanong din namin si Lotlot kung napag-uusapan na ba nila ni Janine Gutierrez ang paghahanda nito sa married life.


“Hindi naman namin napag-uusapan ‘yung ganu’n kasi at the end of the day, decision naman nila ‘yan, eh, if they wanna settle down. It’s their decision so importante, lahat ng mga anak ko, okay sila. They have their own careers and maayos naman ang buhay nila and they’re all healthy.”


Naihanda na rin ba niya ang sarili niya kung sakaling one day magpaalam na si Janine na magpapakasal sa BF na si Jericho Rosales?


“Oo naman, tagal na!” natawang sagot ng magaling na aktres.

Samantala, first movie production ng LVD Entertainment na nasa pamumuno na ngayon ni Ms. Carol Dominguez, the sister of the late talent manager Leo V. Dominguez, ang 40 Days.


Positive si Ms. Carol na kahit wala pa siyang experience sa movie production ay magiging maganda ang pagtanggap sa movie para magkaroon pa ng mga kasunod.

Showing na sa mga sinehan sa December 9 ang 40 Days, so don’t miss it guys, lalo na’t maraming family values ang matututunan dito.

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page