top of page
Anjo Yllana vs TVJ - Ogie Diaz Inteview - YT.jpg
Search

ni Jeff Tumbado @Feature & Media | July 8, 2026



Sara Duterte at kanyang mga atty at defense team

Sumulpot si Vice President Sara Duterte sa Senado at agad nakipagpulong sa kanyang legal defense team bilang paghahanda para sa ikalawang araw ng kanyang impeachment proceedings. (Jeff Tumbado)





NEWS SCOOP: 5,000 mag-aaral nagtapos... 154 summa cum laude, 927 magna cum laude sa ika-115 Commencement Exercises ng UP Diliman


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | Photo Scoop



July 6, 2026: 5,000 mag-aaral nagtapos...  154 summa cum laude, 927 magna cum laude sa ika-115 Commencement Exercises ng UP Diliman

Gamit ang payong bilang pananggalang sa tindi ng init ng araw ng mga dumalo at nagsipagtapos sa ika-115 University-wide Commencement Exercises sa University of the Philippines (UP) - Diliman kahapon, kung saan nasa 154 ang summa cum laude habang nasa 927 naman ang magna cum laude sa mahigit 5,000 mag-aaral na nagtapos. (Jeff Tumbado)





NEWS SCOOP: Kilos-protesta sumalubong sa pagbisita ni Pangulong Marcos sa Canada


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | Photo Scoop



July 5, 2026: Sinalubong ng kilos-protesta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pagbisita sa Canada.

Sinalubong ng kilos-protesta si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pagbisita sa Canada. (Mylene Alfonso)





NEWS SCOOP: Tanggapan ni Imee, namahagi ng pagkain at tubig sa pagtitipon ng INC sa EDSA Monument


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | Photo Scoop



July 4, 2026: Kasong plunder, pormal nang inihain laban kina Marcoleta at Defensor sa Sandiganbayan

Ang ilang representante ng Office of the Ombudsman habang pormal na inihahain ang kasong plunder sa Sandiganbayan laban kina Senador Rodante Marcoleta, dating Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor at sa dalawang iba pa. (Jeff Tumbado)





NEWS SCOOP: Tanggapan ni Imee, namahagi ng pagkain at tubig sa pagtitipon ng INC sa EDSA Monument


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | Photo Scoop



Scooper tindahan ni Imee

Namahagi ang tanggapan ni Senadora Imee Marcos ng pagkain at tubig sa mga nakiisa sa pagtitipon ng Iglesia Ni Cristo sa EDSA People Power Monument. (Mylene Alfonso)





NEWS SCOOP: Cup of Joe, dumalo sa LoveLaban Pride March PH Festival 2026


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | Photo Scoop



Cup of Joe, dumalo sa LoveLaban Pride March PH Festival 2026

“Cup of Jokla,” ‘yan ang title sa hawak na placard ng isa sa dalawang sikat na singers ng bandang Cup of Joe na si Gian Bernardino kasama si Raphaell Ridao na kapwa dumalo sa LoveLaban Pride March PH Festival 2026 sa UP Diliman Campus sa Quezon City. (Bulgar via Jeff Tumbado)





NEWS SCOOP: Patidongan, isa sa state witness sa mga kaso ng missing sabungeros


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | Photo Scoop



SCOOP OF DA DAY: Patidongan, isa sa state witness sa mga kaso ng missing sabungeros

Suot ang bulletproof vest at helmet nang dumating sa Quezon City Hall of Justice si Elakim Patidongan, ang isa sa mga state witness sa mga kaso ng missing sabungeros, para humarap at tumestigo sa pagdinig. (Jeff Tumbado)



NEWS SCOOP: Alcantara nanumpa sa tang nggapan Sandiganbayan, kaugnay sa pagtestigo sa flood control projects


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | Photo Scoop



Alcantara nanumpa sa tang nggapan Sandiganbayan, kaugnay sa pagtestigo sa flood control projects

Si dating Bulacan 1st District Engineering Office Chief Henry Alcantara habang nanunumpa sa tanggapan ng Sandiganbayan kaugnay sa kanyang pagtestigo sa flood control projects. (Jeff Tumbado)





NEWS SCOOP: Unang batch ng repatriated OFWs na nakalaya sa Russian Federation prison, dumating na


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | Photo Scoop



Unang batch ng repatriated OFWs na nakalaya sa Russian Federation prison, dumating na

Pinangunahan ni Foreign Sec. Ma. Theresa P. Lazaro ang pagtanggap sa unang batch ng anim na repatriated overseas Filipinos, na nakalaya mula sa Russian Federation prison, sa kanilang pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) madaling-araw ng Linggo. (Jeff Tumbado)





NEWS SCOOP: DPWH Dizon at Mayor Robredo, nag-inspeksyon para sa ilang proyekto


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | Photo Scoop



SCOOP OF DA DAY: DPWH Dizon at Mayor Robredo, nag-inspeksyon para sa ilang proyekto

Nag-inspeksyon si DPWH Sec. Vince Dizon sa Naga City kasama si Mayor Leni Robredo, para umano tiyakin ang pagkumpleto sa ilang proyekto gaya ng Naga Airport sa Pili, Camarines Sur, at Almeda-Mabolo Bypass Road/Bridge sa unang quarter ng 2027. (PHOTO: Leni Gerona Robredo/FB) 





NEWS SCOOP: Road reblocking project ng DPWH, nagdulot ng buhol-buhol na daloy ng trapiko


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | Photo Scoop



Road reblocking project ng DPWH, nagdulot ng buhol-buhol na daloy ng trapiko

Nagdulot ng pagkakabuhol-buhol ang daloy ng trapiko dahil halos hindi na makausad ang mga sasakyan sa magkabilang linya bunsod ng nakatalagang road reblocking project ng DPWH sa Olongapo-Bugallon Road sa Subic, Zambales. (Jeff Tumbado)





NEWS SCOOP: Gustong makausap nang personal ang senador... Tagasuporta umano ni Padilla, pinaalis


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | Photo Scoop



Gustong makausap nang personal ang senador... Tagasuporta umano ni Padilla, hindi pinapasok

Isang babae na umano'y tagasuporta ni Senador Robinhood Padilla ang pilit na pinapaalis ng mga pulis at security guard ng Senado dahil ayaw nitong lisanin ang main gate ng gusali habang hindi niya nakakausap nang personal ang senador. Galing pa umano ang babae sa Capiz. (Jeff Tumbado)





NEWS SCOOP: Mandaluyong City Police, nagmando dahil sa bigat ng daloy ng trapiko


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | Photo Scoop



SCOOP OF DA DAY: Mandaluyong City Police, nagmando dahil sa bigat ng daloy ng trapiko

Maging ang mga miyembro ng Mandaluyong City Police ay nanguna na rin sa pagmamando ng trapiko dahil na rin sa bigat ng daloy sa bahagi ng northbound lane ng EDSA sa nasabing lungsod. (Jeff Tumbado)





NEWS SCOOP: Road rage sa Mandaluyong, tauhan ng Napolcom arestado


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | June 16, 2026



SCOOP OF DA DAY: Road rage sa Mandaluyong, tauhan ng Napolcom arestado

Emosyonal na humarap sa media si Jaime Flores, ang naarestong tauhan ng National Police Commission (Napolcom) na naging viral sa social media nang manakot ito at pakitaan ng baril ang isang nakaalitang TNVS driver sa nangyaring road rage sa Mandaluyong City. Personal na iniharap si Flores sa press conference ng mismong kanyang hepe na si Atty. Ralph Calinisan. (Jeff Tumbado)





NEWS SCOOP: Nawalan ng kontrol... Kotse nahulog sa kanal


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | June 15, 2026



Nawalan ng kontrol... Kotse nahulog sa kanal

Nahulog sa kanal ang itim na kotse na ito matapos mawalan ng kontrol ang driver sa Barangay Barretto, Olongapo City umaga ng Linggo. Pero bago mahulog ay nabangga pa nito ang isang Victory Liner bus na patungong Zambales. (Jeff Tumbado)





NEWS SCOOP: Misa para sa pagpaparangal kay Rene Baterbonia, isinagawa


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | June 14, 2026



SCOOP OF DA DAY: Misa para sa pagpaparangal kay Rene Baterbonia, isinagawa

Pinangunahan ni Fr. Karel S. San Juan, SJ, Pangulo ng Ateneo de Davao University, ang isang misa sa Christ the King Chapel para sa pagpaparangal sa kanilang basketbolistang si Rene "Bobet" Baterbonia, na nasawi sa kalagitnaan ng team building activity sa Aurora. (Jeff Tumbado) 





NEWS SCOOP: Para pasinayaan ang bagong gusali... Pangulong Marcos, bumisita sa QC


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | June 11, 2026



SCOOP OF DA DAY: Para pasinayaan ang bagong gusali... Pangulong Marcos, bumisita sa QC

Dumating si Pangulong Bongbong Marcos, kasama sina Education Sec. Sonny Angara at DPWH Sec. Vince Dizon sa San Francisco High School para personal na pasinayaan ang bagong gusali ng Dao Building at Henry Sy Sr Hall sa loob ng nasabing paaralan nitong Miyerkules ng umaga. Mainit naman silang sinalubong ni Quezon City Mayor Joy Belmonte. (Jeff Tumbado)





NEWS SCOOP: Dahil sa walang tigil na pag-ulan, national highway binaha


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | June 6, 2026



SCOOP OF DA DAY: Dahil sa walang tigil na pag-ulan, national highway binaha

Kabilang sa mga binahang lugar ang national highway sa bayan ng Castillejos, Zambales, dahil sa walang tigil na pag-uulan sa malaking bahagi ng Luzon region dulot ng masamang panahon. (Jeff Tumbado) 





NEWS SCOOP: Dahil sa walang tigil na pag-ulan, ilang lugar sa Olongapo nanganib gumuho


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | June 6, 2026



SCOOP OF DA DAY: Dahil sa walang tigil na pag-ulan, ilang lugar sa Olongapo nanganib gumuho

Ang isang nakatirik na barong-barong na ito na kabilang sa ilang nanganganib na gumuho sa tabi ng ilog ng Sta. Rita sa Olongapo City dahil sa unti-unting nilalamon ang lupa sa lugar dulot ng walang tigil na pag-ulan. (Jeff Tumbado)  





NEWS SCOOP: Arraignment ni Jinggoy, ipinagpaliban muli


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | June 5, 2026



Jinggoy Estrada sa BJMP - Jeff Tumbado

Si Senador Jinggoy Estrada habang escort ng mga tauhan ng BJMP papasok sa gusali ng Sandiganbayan para sa kanyang arraignment subalit ito’y ipinagpaliban muli ng korte sa Hunyo 30. (Jeff Tumbado)





NEWS SCOOP: Walang piyansa... Founder ng Gawad kalinga dinakip sa kasong 2 counts ng Qualified Trafficking in Persons


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | June 1, 2026



Mga pasahero sa Victory Liner sa Cubao, halos dalawang oras ang pila

Hindi naiwasang maimbyerna ang mga pasaherong nakapila sa ticket booth ng Victory Liner bus sa Cubao Quezon City dahil halos mag-dalawang oras na ay hindi umuusad ang pila. Karamihan sa mga pasahero ay hindi na nakahabol sa itinakdang biyahe. (Jeff Tumbado)





NEWS SCOOP: Walang piyansa... Founder ng Gawad kalinga dinakip sa kasong 2 counts ng Qualified Trafficking in Persons


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 31, 2026



Walang piyansa... Founder ng Gawad kalinga dinakip sa kasong 2 counts ng Qualified Trafficking in Persons

Hindi na nakapalag si Tony Meloto (gitna), ang founder ng Gawad Kalinga na dinakip ng mga tauhan ng Bulacan Provincial Intelligence Unit (BPIU) sa Angat, Bulacan, kaugnay ng kasong 2 counts ng Qualified Trafficking in Persons na walang piyansa. (Jeff Tumbado)





NEWS SCOOP: K9, katuwang ng mga rescuer upang matagpuan ang natabunang biktima sa gumuhong gusali sa Pampanga


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 29, 2026



K9, katuwang ng mga rescuer upang matagpuan ang natabunang biktima sa gumuhong gusali sa Pampanga

Ang isa sa mga K-9 dog na katuwang ng mga rescuer upang matagpuan ang ang natabunang biktima sa gumuhong gusali sa Angeles City, Pampanga. (Jeff Tumbado) 





NEWS SCOOP: Panalangin inialay sa ground zero ng gumuhong gusali sa Pampanga


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 27, 2026



Panalangin inialay sa ground zero ng gumuhong gusali sa Pampanga

Pinangunahan ni Rev. Fr. Alvin Modesto Manalang, parish priest ng Immaculate Conception Parish ng Balibago, ang pag-alay ng mga panalangin sa ground zero para sa mga biktima ng pagguho ng itinatayong gusali sa Pampanga. (Jeff Tumbado)





NEWS SCOOP: Senior citizen, inabutang walang malay sa loob ng nakaparadang sasakyan


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 20, 2026



SCOOP OF DA DAY: Senior citizen, inabutang walang malay sa loob ng nakaparadang sasakyan

Isang senior citizen ang inabutang walang malay sa loob ng kanyang minamanehong Toyota Avanza kung saan nakaparada ito sa tapat ng isang mall sa National road Rizal Ave., Brgy. East Tapinac, Olongapo City, pasado alas-3 ng hapon ng Miyerkules. Agad namang naisugod ang biktima sa ospital at patuloy na inoobserbahan. Inatake umano ng heat stroke ang biktima dahil sa tindi ng init ng panahon. (Jeff Tumbado)





NEWS SCOOP: Lalaking sinita sa checkpoint, sugatan matapos makipaghabulan


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 20, 2026



Lalaking sinita sa checkpoint, sugatan matapos makipaghabulan

Nakahiga pa sa kalsada ang lalaking ito at sugatan na umano’y lasing at sinasabing sumemplang matapos makipag habulan sa mga pulis sa pagmamaneho ng walang helmet nang sitahin sa checkpoint sa Brgy. Zabarte, Caloocan City madaling-araw ng Martes. (Jeff Tumbado)





NEWS SCOOP: APCU, tinalakay ang epekto ng Trump-Xi Summit sa Pilipinas at ASEAN, kaso ni Bato at impeachment ni VP Sara


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 19, 2026



APCU, tinalakay ang epekto ng Trump-Xi Summit sa Pilipinas at ASEAN, kaso ni Bato at impeachment ni VP Sara

Dumalo sina Atty. Raul Lambino, chairman ng Association for Philippines-China Understanding (APCU), at Noy Benedicto, pangulo ng APCU, sa “Pandesal Forum” sa Kamuning Bakery Cafe kung saan tinalakay nila ang pag-aanunsyo ng mga nagwagi sa 2026 APPCU Awards, ang epekto ng Trump-Xi Summit sa Pilipinas at ASEAN, at mga napapanahong usaping pampulitika kabilang ang impeachment ni VP Sara Duterte at ang kaso ni Sen. Ronald "Bato" dela Rosa. (Mars Santos)





NEWS SCOOP: 500 PDLs, nailipat na sa Iwahig Prison and Penal Farm


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 18, 2026



500 PDLs, nailipat na sa Iwahig Prison and Penal Farm

Nasa 500 PDLs ang nailipat na sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Puerto Princesa, Palawan, nitong Sabado, Mayo 16. (Gina Pleñago)





NEWS SCOOP: Isang mall dinagsa... Mga kabataan humabol sa pagpaparehistro para sa BSKE


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 17, 2026



Isang mall dinagsa... Mga kabataan humabol sa pagpaparehistro para sa BSKE

Dinagsa ng mga kabataan ang isang mall sa Caloocan City para humabol sa pagpaparehistro sa Barangay and Sangguniang Kabataan Election (BSKE) bago pa ang itinakdang deadline ng Commission on Elections (Comelec) bukas, Mayo 18. (Jeff Tumbado)





NEWS SCOOP: Airport worker tiklo sa umano'y ilegal na droga sa NAIA


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 16, 2026



SCOOP OF DA DAY: Airport worker tiklo, nang makitaan ng umano'y ilegal na droga sa NAIA

Ang airport worker na nakitaan ng security guard ng umano’y ilegal na droga sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3. (Gina Pleñago) 





NEWS SCOOP: Tama ng mga bala tumambad, matapos ang umano'y barilan sa pagitan ng NBI at OSAA


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 15, 2026



SCOOP OF DA DAY: Tama ng mga bala tumambad, matapos ang umano'y barilan sa pagitan ng NBI at OSAA

Tadtad ng mga tama ng bala ng baril ang salamin na ito na sinasabing bahagi ng emergency exit ng Senado patungong gusali ng GSIS matapos ang umano’y barilan sa pagitan ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation at Office of the Sgt. at Arms, kaugnay sa tangkang pag-aresto kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa. (Jeff Tumbado)





NEWS SCOOP: Pulis na nag-viral dahil sa pananakit sa live-in partner, sinampahan ng patung-patong na kaso


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 14, 2026



SCOOP OF DA DAY: Pulis na nag-viral dahil sa pananakit sa live-in partner, sinampahan ng patung-patong na kaso

Humarap kay National Police Commission (NAPOLCOM) Vice Chairman at Executive Officer Atty. Ralph Calinisan (gitna) si Police Corporal Alimeri Dela Cruz (kaliwa), ang pulis na nag-viral dahil sa pananakit sa live-in partner nito na si alyas Ayra. Pormal nang sinampahan ng patung-patong na kaso ng Napolcom si Dela Cruz. (Jeff Tumbado)





NEWS SCOOP: OSAA ng Senado armado, kasunod ng umano'y pananakit at tangkang pag-aresto kay Bato


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 13, 2026



SCOOP OF DA DAY: OSAA ng Senado armado, kasunod ng tangkang pag-aresto kay Bato

Makikita sa larawan ang ilan sa mga tauhan ng Office of the Sgt. At Arms (OSAA) ng Senado na armado na ng automatic rifle habang nagbabantay sa loob ng naturang gusali kasunod ng nangyaring umano’y pananakit sa isa nilang kasamahan ng mga ahente ng NBI sa kalagitnaan ng tangkang pag-aresto kay Senador Ronald dela Rosa. (Jeff Tumbado)





NEWS SCOOP: Sen. Bato humarap sa Senado


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 12, 2026



SCOOP OF DA DAY: Sen. Bato humarap sa Senado

Personal na humarap si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa session hall ng Senado kahapon, Mayo 11. (PHOTO SENATE)





NEWS SCOOP: Bigat ng trapiko naranasan sa SCTEX, matapos ang long weekend


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 11, 2026



SCOOP OF DA DAY: Bigat ng trapiko naranasan sa SCTEX, matapos ang long weekend

Dahil sa sobrang bigat ng trapiko ay halos hindi na makausad ang mga sasakyan sa magkabilang linya papasok at palabas ng Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX) sa bahagi ng Tipo Road, Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na nagsisibalikan sa kani-kanilang destinasyon matapos ang long weekend na bakasyon. (Jeff Tumbado)





NEWS SCOOP: Hindi nakapagbayad ng permit sa halos 10 taon... Mga tindahan sa public market, ipinasara


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 10, 2026



SCOOP OF DA DAY: Hindi nakapagbayad ng permit sa halos 10 taon... Mga tindahan sa public market, ipinasara

Kasama ang ilang miyembro ng Police Station 1 ng Olongapo City Police Office (OCPO), nanguna sa pag-padlock ang mga kawani ng Business Permit ng Local Government Unit sa mga tindahan sa public market ng Lungsod dahil sa hindi na nakapagbayad ng kanilang permit sa halos 10 taon. (Jeff Tumbado via Bulgar)





NEWS SCOOP: TNVS driver nanumpa sa Napolcom upang ireklamo ang 4 na miyembro ng PNP-HPG


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 8, 2026



SCOOP OF DA DAY: TNVS driver nanumpa sa Napolcom upang ireklamo ang 4 na miyembro ng PNP-HPG

Ang TNVS driver na nanumpa sa harapan ni Napolcom Executive Director Atty. Ralph Calinisan para ireklamo ang apat na miyembro ng PNP-HPG personnel na sangkot umano sa pangingikil. (Jeff Tumbado via Bulgar)





NEWS SCOOP: PBBM, dumating sa Joint Task Force ng Philippines-US Balikatan War Exercises


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 7, 2026



SCOOP OF DA DAY: Mining exploration sa Subic, operasyon ipinatigil

Isa si Gen. Christian Wortman, senior U.S. Marine commander na sumalubong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. pagdating nito sa Camp Aguinaldo sa Quezon City bilang bahagi ng Joint Task Force (JTF) ng Philippines-US Balikatan War Exercises 2026. (Jeff Tumbado) 





NEWS SCOOP: Mining exploration sa Subic, operasyon ipinatigil


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 6, 2026



Ang ilang makinarya na ginagamit sa mining exploration sa Subic, Zambales na kinumpiska  ng pulisya makaraang ipatigil ang operasyon ng DENR. (Jeff Tumbado via Bulgar)

Ang ilang makinarya na ginagamit sa mining exploration sa Subic, Zambales na kinumpiska  ng pulisya makaraang ipatigil ang operasyon ng DENR. (Jeff Tumbado via Bulgar)





NEWS SCOOP: Sunog sa Taytay... 20 kabahayan natupok


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 4, 2026



SCOOP OF DA DAY: Sunog sa Taytay... 20 kabahayan natupok

Nasa 20 kabahayan ang natupok ng apoy habang patuloy na inaapula ng mga bumbero sa sumiklab na sunog sa Brgy. San Juan, Taytay, Rizal pasado alas-3 ng hapon kahapon. (Jeff Tumbado via Bulgar)





NEWS SCOOP: Dahil sa tindi ng init ng panahon... Pag-rasyon ng tubig sa Olongapo, isinagawa


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 3, 2026



SCOOP OF DA DAY: Dahil sa tindi ng init ng panahon... Pag-rasyon ng tubig sa Olongapo, isinagawa

Kani-kaniyang dala at pila ng mga balde ang mga residente ng Amelia Heights Gordon Heights, Olongapo City upang marasyunan ng tubig mula sa fire truck ng Olongapo Fire-Rescue Team (Bravo) dahil na rin sa tindi ng init ng panahon. (Jeff Tumbado via Bulgar)





NEWS SCOOP: Kilos-protesta kasabay ng Labor Day


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | May 2, 2026



NEWS SCOOP: Kilos-protesta kasabay ng Labor Day

Nagmistulang dagat ang magkabilang linya sa España Boulevard, Maynila dahil sa kapal ng tao na lumahol sa kilos-protesta kasabay ng Labor Day. (Jeff Tumbado via Bulgar)





NEWS SCOOP: Nasabat ng Bureau of Customs... 249 M halaga ng shabu, nakatago sa mga kahon ng LED spotlights


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | April 29, 2026


Nasa P249.83 milyong halaga ng shabu na nakatago sa malalaking kahon na naglalaman ng mga LED spotlights ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC)

Nasa P249.83 milyong halaga ng shabu na nakatago sa malalaking kahon na naglalaman ng mga LED spotlights ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) matapos madiskubre sa isang warehouse sa Pasay City. (Jeff Tumbado via Bulgar)





NEWS SCOOP: Asawa ni VP Sara na si Atty. Manases Carpio, pormal na naghain ng reklamong kriminal


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | April 28, 2026



Asawa ni VP Sara na si Atty. Manases Carpio, pormal na naghain ng reklamong kriminal

Pormal nang naghain ng reklamong kriminal sa Quezon City Prosecutor’s Office si Atty. Manases “Mans” Carpio, asawa ni Vice President Sara Duterte, laban sa ilang kongresista at opisyal ng gobyerno, dahil sa paglabag umano sa Anti-Money Laundering Act, Bank Secrecy Law at Data Privacy Act. (Jeff Tumbado via Bulgar)





NEWS SCOOP: Paglilinis at pag-segregate ng mga basura pinangunahan sa pakikiisa sa Earth Day


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | April 27, 2026



Pinangunahan ng mga environmental groups ang pag segregate ng mga basura na kanilang naipon mula sa paglilinis sa kahabaan ng baybaying dagat sa Subic Bay Freeport Zone bilang pakikiisa sa selebrasyon ng “Earth Day” ngayong 2026.

Pinangunahan ng mga environmental groups ang pag segregate ng mga basura na kanilang naipon mula sa paglilinis sa kahabaan ng baybaying dagat sa Subic Bay Freeport Zone bilang pakikiisa sa selebrasyon ng “Earth Day” ngayong 2026. (Jeff Tumbado via Bulgar)





NEWS SCOOP: Experts mula Japan, dumating para tumulong sa nasusunog na Navotas Landfill


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | April 26, 2026



Experts mula Japan, dumating para tumulong sa nasusunog na Navotas Landfill

Dumating sa Lungsod ng Navotas ang mga experts mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA) upang tumulong para mapabilis at tuluyan nang maapula ang apoy sa nasusunog na lumang Navotas landfill dahil malawak ang kanilang karanasan sa landfill fire management. (Maeng Santos via Bulgar)





NEWS SCOOP: Terminal sa QC, punuan para sa long weekend


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | April 25, 2026



HAPON na pero punuan pa rin ang mga pasahero sa Victory Liner bus terminal sa Cubao, Quezon City na nais humabol pauwi ng mga probinsya patungong Central Luzon ngayong araw ng Biyernes lalo’t long weekend. (Jeff Tumbado)

Hapon na pero punuan pa rin ang mga pasahero sa Victory Liner bus terminal sa Cubao, Quezon City na nais humabol pauwi ng mga probinsya patungong Central Luzon nitong araw ng Biyernes lalo’t long weekend. (Jeff Tumbado via Bulgar)





NEWS SCOOP: MOA nilagdaan sa pagpuksa kontra child sexual abuse sa digital space


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | April 24, 2026



NBI Director Atty. Melvin Matibag at Child Rescue Coalition, Inc. (CRC) Chief Executive Officer Greg Schiller matapos lagdaan ang Memorandum of Agreement at Deed of Donation para sa pagpapalakas sa pagpuksa kontra child sexual abuse sa digital space.

Sina NBI Director Atty. Melvin Matibag at Child Rescue Coalition, Inc. (CRC) Chief Executive Officer Greg Schiller matapos lagdaan ang Memorandum of Agreement at Deed of Donation para sa pagpapalakas sa pagpuksa kontra child sexual abuse sa digital space. (Jeff Tumbado via Bulgar)





NEWS SCOOP: Remulla at Trillanes, dumalo bilang panguhing testigo sa impeachment laban kay VP Sara


ni Jeff Tumbado @Feature & Media | April 23, 2026


Remulla at Trillanes, dumalo bilang panguhing testigo sa impeachment laban kay VP Sara

Dumalo sina Ombudsman Jesus Crispin Remulla at dating Senador Antonio Trillanes IV bilang mga pangunahing testigo ng House Justice Committee ng House of Representatives sa pagdinig ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. (Jeff Tumbado via Bulgar)





NEWS SCOOP: 19 hinihinalang NPA, napatay sa engkuwentro


ni Mai Ancheta @Feature & Media | April 22, 2026



19 na hininihalang miyembro ng NPA napatay sa engkuwentro ng militar sa Negros Occidental. (Mai Ancheta)

19 na hininihalang miyembro ng NPA napatay sa engkuwentro ng militar sa Negros Occidental. (Mai Ancheta via Bulgar)

 
 

ni Chef Michelle Sison @Life & Style Recipe | October 29, 2025





Paella de Negra

Ingredients


½ pound squid

¼ cup olive oil extra virgin

1 white onion, finely chopped

2 plum tomatoes, chopped

8 garlic cloves, finely chopped

1 teaspoon sweet paprika

pinch of saffron

1.5 cup Bomba rice

½ cup white wine

6 cups cups fish stock

60 ml squid ink

½ teaspoon salt

¼ cup parsley, chopped for serving

1 lemon, for serving

Garlic Aioli

1 tbsp Grated garlic

1 cup mayo

2 tbsp milk or water

1tsp lemon juice

Salt and pepper to taste

mixed all together and set aside


Instructions


To prepare the squid, remove wings from the squid and cut the bodies open down one side. Cut them into slices about ¼ inch thick. Slice any large tentacles into bite size pieces.


Heat olive oil in a paella pan over medium heat and add half of the minced garlic and squid to the pan and saute for 30 seconds then remove them from the pan and set aside.


Add the onion and let it cook until fragrant and translucent, about 5 minutes.


Stir in the garlic and tomatoes and cook for a few minutes. Add in the paprika and pinch of saffron and continue cooking on low heat until you have a soft, thick mixture, about 10-12 minutes.


Add the rice to the pan and let it coat in tomato mixture.


Pour the wine into the pan and let it simmer for 5 minutes.


Add the fish stock and give it a quick stir before adding in the squid ink. Season with salt to taste.


Bring the rice to a boil then reduce the heat to a gentle simmer. Leave the rice to cook for another 20 minutes Keep an eye on the mixture and stir occasionally to make sure the bottom of the pan is not burnt. At this stage, you don't want to stir frequently or you will disturb the socarrat base that has formed at the bottom of the pan. Add a tablespoon of water if it's becoming too dry. The texture of the rice should just be al dente.

Remove pan from the heat and rest for 10mins

Drizzle the garlic aioli and sprinkle the chopped parsley.

Serve it with lemon wedges


BULGARLICIOUS PRESENTS KITCHEN CHAOS, UNTIL OUR NEXT RECIPE

 
 

ni Chef Michelle Sison @Life & Style Recipe | October 9, 2025





BEEFYNOLA RICE (BEEF TINOLA RICE)

4 Servings


Ingredients:

Ribeye Steak (16oz)


Marinade for Steak

Oyster Sauce (1tbsp)

Fish Sauce (1tbsp)

Pepper (1tsp)

Sugar (1tbsp)


Malunggay Rice

Long Grain Rice (2cups)

Chicken Stock (4cups)

Chicken Fat Oil (2tbsp)

Minced Garlic (1tbsp)

Chopped Onion (¼ Cup)

Salt (1tbsp)

Malunggay Leaves (1 Cup)


Spring Onion & Ginger Sauce

Spring Onions Chopped (¼ Cup)

Grated Ginger (1tbsp)

Salt (1 ½ tsp)

Oil (¼ Cup)

Sesame Oil (2 tsp)


Procedure:

Ribeye Steak

- Add oyster sauce, fish sauce, pepper & sugar in a bowl. Mix well.

- Pour marinade on steak. Marinate for 30mins to 1hr.

- Heat a heavy sauté pan. Add oil.

- Fry steak on each side for 3 to 4 mins.

- Set aside.



Malunggay Chicken Rice:

- Rinse rice. Set aside.

- In a sauce pan, add chicken fat and sauté garlic & onion.

- Add the rice and salt until combined.

- Add chicken stock and let it simmer. Lower the heat and cover the pot.

- Cook for 10 mins. Set aside.


Spring Onion & Ginger Sauce.

- Use a mortar & paste to pound the ginger, spring onions & salt.

- Transfer to a bowl.

- Heat the oil in a pan then pour on the ginger & spring onion.

- Add sesame oil and mix. Set aside.


BULGARLICIOUS PRESENTS KITCHEN CHAOS, UNTIL OUR NEXT RECIPE

 
 
RECOMMENDED
bottom of page