Maharlika Investment Fund, hindi raw kumikita... Castro: Maglabas kayo ng ebidensya

ni Mylene Alfonso @News | November 14, 2026

Photo: Atty. Claire Castro - PCO
Hinamon ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro ang mga kritiko ng Maharlika Investment Fund (MIF) na maglabas ng konkretong datos na magpapatunay sa alegasyong hindi kumikita ang nasabing pondo.
Ayon kay Castro, dapat nakabatay sa mga aktuwal na datos at hindi lamang sa haka-haka ang mga pahayag tungkol sa performance ng MIF.
“Mayroon na po ba silang datos na hindi kumita? So, hindi po tayo makakasagot d’yan dahil iba po ang datos na naibibigay sa amin,” pahayag ni Castro.
Binigyang-diin ng Malacañang na mahalagang suriin ang tunay na kalagayan at performance ng pondo bago magbigay ng konklusyon tungkol sa mga kinikita o pagkalugi nito.





Comments