top of page
Search

ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 7, 2024




HONG KONG — Na-rescue ang 12 katao mula sa isang rollercoaster na tumigil ang pag-andar sa Hong Kong Disneyland nitong Miyerkules ng hapon.


Tinawagan ang mga pulis at bumbero ng alas-3:16 sa hapon. Walang iniulat na mga sugatan, at wala ring usok o apoy sa lugar ng pangyayari.


Pinalikas ang mga pasahero mula sa rollercoaster ng 4:16 p.m. (0816 GMT), ayon sa fire services representative. Humigit-kumulang na 40 bumbero ang ipinadala sa Disneyland malapit sa international airport ng Hong Kong.


Hindi pa nagbibigay ng pahayag ang Disney tungkol sa pangyayari.

 
 

ni Mabel Vieron (OJT) | March 1, 2023




Kinasuhan na ang mga umano’y sangkot sa pagpatay sa modelong si Abby Choi, 28, sa Hong Kong.


Matapos matagpuan ang mga bahagi ng kanyang katawan sa isang village house sa labas ng Financial City.

Ayon sa pulisya, kasama sa mga kinasuhan ang kanyang dating asawa na si Alex Kwong, kapatid ni Kwong at kanilang ama.


Natuklasan ng pulisya ang mga bahagi ng kanyang katawan sa tatlong palapag ng bahay sa Tai Po noong nakaraang linggo.


Nakakita rin umano sila ng meat slicer at electric saw sa pinangyarihan ng krimen.


 
 

ni Lolet Abania | March 21, 2022



Plano nang luwagan ng Hong Kong ang ipinatutupad na ilang COVID-19 restrictions, gaya ng pag-alis ng mga flight ban mula sa siyam na bansa, kabilang na rito ang Pilipinas simula sa Abril.


Gayundin, babawasan nila ang itinakdang quarantine time para sa darating na mga dayuhan, habang magbubukas na ulit ang klase kanilang mga eskuwelahan.


Ito ang inianunsiyo ngayong Lunes ni Chief Executive Carrie Lam, kung saan dahil sa mahigpit na restriksyon kontra-COVID-19, napakaraming kritisismo ang kanilang natanggap mula sa mga residente ng Hong Kong na ilan sa mga ito ay nanatili doon ng dalawang taon.


Sinabi ni Lam sa isang news briefing na babawiin na ang flight ban simula Abril 1, habang ang pagsasailalim sa hotel quarantine para sa mga darating na dayuhan ay gagawing pitong araw na lamang mula sa dating 14-araw kung ang indibidwal ay negatibo sa test sa COVID-19.


Ayon pa kay Lam, sa Abril 19 ay ipagpapatuloy naman ang face-to-face classes sa mga paaralan sa Hong Kong matapos ang Easter holidays habang ang mga public venues kabilang na ang sports facilities ay muling bubuksan sa Abril 21.


Matatandaang isinara ng Hong Kong ang kanilang border noong 2020, habang iilang flights lamang ang maaaring makalapag sa airport at halos walang pasahero na pinapayagang makabiyahe, kung saan lubhang na-isolate ang lugar sa kabila ng reputasyon nito bilang tinatawag na global financial hub.


Maging ang mga mamamayan ay pahirapan din na agad makabalik sa naturang Chinese ruled territory.


Nitong Pebrero, naging problema ng Hong Kong ang muling pagdami ng naitatalang kaso ng COVID-19 dahil sa mas nakahahawang Omicron variant.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page