Mga namumuno sa BIR, BOC at BCDA, binalasa

ni Mylene Alfonso @News | November 14, 2026

Photo: Ariel F. Nepomuceno, Atty. Charlito Martin Mendoza at Atty. Rolando A. Ligon Jr. - POC
Nagsagawa ng balasahan sa pamunuan ng ilang pangunahing ahensya ng pamahalaan sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Itinalaga si dating Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel Nepomuceno bilang bagong pinuno ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA), habang inilipat si dating BCDA President Joshua Bingcang sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA).
Si Charlito Martin Mendoza naman ang bagong commissioner ng BOC, habang si Finance Undersecretary Rolando Ligon Jr. ang pumalit sa kanya sa Bureau of Internal Revenue (BIR).
Tiniyak ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na hindi maaapektuhan ng balasahan ang operasyon ng mga ahensya at kumpiyansa ng mga investor.
“Ang tangi lamang gusto ng Pangulo ay tamang tao sa tamang posisyon,” ani Castro.





Comments