EDITORYAL
Unti-unti nang humuhupa ang 'word war' kaugnay ng halalan. Ang social media na naging battle ground, sa wakas medyo napayapa na rin. Nabawasan na ang mga post na puro masasakit na salita, mga comment na hindi matapos-tapos. Sadyang maraming relasyon ang nasubok ng eleksyong ito. Ang magkakamag-anak at magkakaibigan, biglang nagkasamaan ng loob hanggang sa naungkat na ang mga bagay na wala namang kinalaman sa pulitika, kumbaga nagkapersonalan na. Lagi nating sinasabi na okay lang magtalo pero huwag mag-aaway. Ang pagtatalo ay paraan lang para mailahad ang ating magkakaibang paniniwala sa isang usapin pero sa huli, hindi tayo kailangang mag-away. Ang respeto at pagmamahal ay hindi dapat mawala. Kaya nakakalungkot at nakapanghihinayang na may mga lubhang nadala sa bugso ng damdamin at nakalimot sa pinagsamahan dahil sa pulitika. Gayunman, laging may panahon para sa paghilom at naniniwala tayo na kung tunay ang pagmamahal sa kapamilya o kaibigan, hindi ito basta nawawala, nar'yan lang 'yan. Sa ngayon, awat na, ipahinga ang kalooban at magpatuloy para sa ating kinabukasan lalo na para sa ating mga anak. Samantala, sa mga patuloy na nagpapakalat ng fake news, tumigil na kayo. Huwag n'yong pagkakitaan ang gawaing sumisira sa sambayanan. Sa totoo lang, kayong mga trolls ang lalong nagpagulo ng halalan. Panawagan sa ating gobyerno, sana'y matunton at mapanagot ang mga sangkot sa pagpapakalat ng maling impormasyon. Matapos man ang eleksyon, alam nating hindi sila titigil lalo't kumikita sila nang malaki. Tayo namang netizens, sana'y natuto na tayo sa pagpili ng mga impormasyon na paniniwalaan, huwag tayong magpabiktima.
COLUMNS
EDITORIAL CARTOON
HALIKA NA AT MAKITAMBAY DITO SA
BARANGAY BULGAR
OPINION VIEWS
WIN TAYONG LAHAT
Win Gatchalian
BOSES
Ryan Sison
AGARANG SOLUSYON
Sonny Angara
ANAK NG
TETENG
Bong Revilla
SOLVE 'YAN
Migz Zubiri
MAGTANONG KAY ATTORNEY
Persida Acosta
IMEESOLUSYON
Imee Marcos
" Batas na magkaroon ng ahensiyang tututok at mag-iimbestiga sa mga aksidente sa sasakyan, aprub na!
POESIBLE
Grace Poe
BISYO MAGSERBISYO
Bong Go
BE NICE TAYO
Nancy Binay
LABAN LANG
Leila de Lima
PRANGKAHAN
Pablo Hernandez
SABI NI DOC
Dr. Erwin Erfe
BISTADO
Ka Ambo
TIPS PA MORE
Rikki Mathay
RECOMMENDED
