top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | Apr. 26, 2025



File Photo: Si VP Sarah Duterte sa campaign ni Isko Moreno - FB Isko Moreno Domagoso



Natawa na lamang si Senador Imee Marcos sa payo sa kanya ni Vice President Sara Duterte kaugnay sa kanyang apelyido.


Ito ay makaraang dumalo sina Duterte at Marcos sa campaign caucus ni mayoral bet Isko Moreno Domagoso at ng slate nito sa Tondo sa Maynila, nitong nakaraang Huwebes.


Ipinangampanya ni Duterte ang senatorial slate ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na "DuterTen", sa ilalim ng PDP-Laban.


Nabatid na kasama rin ang senadora sa ikinampanya niya.


Sa naturang caucus, binanggit ni Duterte na may mga nangangamusta sa dating Pangulo na nasa The Hague, Netherlands na kasalukuyang humaharap sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC).


Kaugnay nito, may inihanda ang Bise Presidente na video presentation sa mga nangangamusta sa kanyang ama.


Ngunit bago i-play, tinanong muna niya si Marcos kung hindi pa raw ito aalis sa caucus.

"Sa mga nangangamusta, mayroon kaming maliit na video presentation sa inyo. Sigurado ka ba ma'am [Imee] na hindi ka aalis?" tanong niya.


Sabay advice sa senadora: "Ma'am, ang advice ko lang sa 'yo sa panahon na ito at sa mga darating na araw, ay magpalit ka na po ng apelyido mo."


"Ay. Sorry. Romualdez pala ang middle name mo," tila pang-aasar pa ng Bise Presidente sa Senadora.


Natawa at sumenyas ng "x" sign si Imee.


"Sabi ko nga, matinong tao si Senator Imee Marcos," hirit ni Duterte.


 
 

ni Mylene Alfonso @News | Apr. 26, 2025



File Photo: Si VP Sarah Duterte sa campaign ni Isko Moreno - FB Isko Moreno Domagoso



Tila ikinatuwa ng mga tao sa campaign caucus ni Manila Mayoral bet Isko Moreno Domagoso ang mga pahayag ni Vice President Sara Duterte. 


Habang nagsasalita sa kanyang talumpati, tinanggal muna ng Bise Presidente ang seal ng Office of the Vice President (OVP) sa harapan ng lectern niya habang nagsasalita, saka nagsabi na palitan daw ng seal ng Office of the President (OP). 


"Ang susunod po, mangangampanya po ako sa inyong lahat. Sandali lang, tanggalin ko lang po 'yung seal ng aking opisina. Ah oh, palitan natin ng seal ng Office of the President," biro ni Duterte na dahilan ng pagsigaw ng mga tao sa caucus ng "Duterte! Duterte!" 


Umapir pa nga si Senator Imee Marcos sa kanya na present din sa caucus upang mangampanya.


"Tinanggal ko lang kasi iba 'yung opisina, iba rin 'yung pangangampanya," giit pa niya. 

"Pero kung sa pangulo lang pumili lang kayo si Isko Moreno o si Sara Duterte. Wala kaming problema." 


Matatandaang noong Marso habang nasa The Hague, Netherlands si Duterte, hindi naging malinaw ang sagot niya kung may balak ba siyang tumakbong pangulo sa 2028. 


Ngunit noong Pebrero nang muling sabihin ni Duterte na kinokonsidera na talaga niyang tumakbo bilang pangulo ng Pilipinas sa 2028 dahil “napag-iiwanan na ang Pilipinas, at ayaw natin 'yun.”


 
 

ni Marish Rivera @News | Apr. 26, 2025



File Photo: Bato sa ICC - Sen. Bato Dela Rosa / ICC / FB


Handa umano si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na humarap sa The Hague, Netherlands sakaling mag-issue ang International Criminal Court (ICC) ng warrant of arrest laban sa kanya dahil sa pagpapatupad ng madugong war on drugs noong Duterte Administration, kinumipirma niya ito sa grand rally ng PDP Laban sa Iloilo City nitong Biyernes, April 25.


“Anong magagawa ko kung ayan ang kapalaran ko? Basta ang importante, nagawa ko ang dapat gawin habang ako ay buhay dito sa mundo. Ginawa ko ‘yung war on drugs, ginawa namin ang lahat,” saad ni Bato.


Dagdag pa niya, handa siyang pumunta anytime, “Ang buhay ko’y nakataya na, naka-kasa na. Anytime, pwede akong mamalasin dahil sa aking adbokasiya na ito. Pero never si Bato aatras sa laban na ito, I tell you.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page