Extradition arrest warrant vs. Quiboloy, inilabas na

ni Mervin Reyes @News | November 14, 2026

Photo: Apollo Quiboloy - Senate of the Philippines
Naglabas ang Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 145 ng extradition warrant of arrest at hold departure order laban kay Pastor Apollo Quiboloy at dalawang opisyal ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na sina Teresita Tolibas Dandan at Helen Panilag noong Nobyembre 12.
Ayon sa Department of Justice (DOJ), nakakita ang korte ng probable cause kaugnay ng kahilingan ng Estados Unidos na ipa-extradite ang tatlo dahil sa mga kasong kinakaharap nila, kabilang ang sex trafficking, fraud at money laundering.
Nilinaw naman ni Justice Secretary Frederick Vida na hindi isasantabi ang mga kasong kinakaharap ni Quiboloy sa Pilipinas, kabilang ang qualified human trafficking at child abuse.
Sa ilalim ng extradition treaty ng Pilipinas at Estados Unidos, maaaring ipagpaliban ang pagsuko kay Quiboloy hanggang sa matapos ang kaniyang mga lokal na kaso.
Patuloy namang itinatanggi ni Quiboloy ang lahat ng alegasyon laban sa kanya sa Pilipinas at sa Estados Unidos.





Comments