top of page
BIDA - DENNIS, NIRESBAKAN NG NETIZEN, ‘DI RAW MABUTING TAO DAHIL ENDORSER NG SUGAL_FB Denn
Search

by BRT @Overseas News | October 10, 2026



Panama Earthquake - Bienvenido Velasco - EPA -Jonathan Marquinez- Reuters

Photo: Panama Earthquake - Bienvenido Velasco / EPA / Jonathan Marquinez / Reuters



Isang magnitude 7.7 na lindol ang yumanig sa Panama nitong Biyernes, Oktubre 9, alas-12:56 ng hapon (1:56 ng madaling-araw ng Sabado sa Pilipinas). Naramdaman din ang pagyanig sa kalapit na Colombia.


Ayon sa U.S. Geological Survey (USGS), naitala ang epicenter 10 kilometro timog-kanluran ng Pitaloza Arriba sa lalawigan ng Herrera, sa lalim na 10 kilometro.


Unang iniulat na magnitude 8.0 ang lindol bago ibinaba sa 7.6 at kalauna'y itinakda sa 7.7.


Mabilis na lumikas ang mga residente mula sa kanilang mga tahanan at gusali patungo sa mga bukas na kalsada at ligtas na lugar.


Mahigit 45 aftershocks din ang naitala, kabilang ang magnitude 5.8, 5.5 at 5.2.

 
 

by BRT @News | October 9, 2026



Satisfaction rating ni Marcos, bumagsak sa ‘poor’ ayon sa SWS

Photo: Bongbong Marcos / FB



Bumaba sa antas na “poor” ang satisfaction rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos mas marami ang hindi nasisiyahan sa kanyang performance kaysa sa mga kuntento, batay sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS).


Sa survey na isinagawa noong Setyembre 21 hanggang 27, nasa 35 porsiyento ang nasisiyahan sa pangulo, 20 porsiyento ang undecided at 46 porsiyento ang hindi nasisiyahan.


Dahil dito, bumaba sa -11 ang net satisfaction rating ni Marcos mula sa -7 noong Hunyo. Ayon sa SWS, apat na puntos itong ibinaba at pasok na sa kategoryang “poor.”


Pinakamalaki ang pagbaba ng rating sa mga edad 35 hanggang 44, mula -3 ay naging -19. Bumaba rin ang rating niya sa Balance Luzon, Visayas at Metro Manila, ngunit bumuti naman sa Mindanao.


Isinagawa ang survey sa harapang panayam sa 1,500 Pilipinong edad 18 pataas sa buong bansa.

 
 

by BRT @News | October 9, 2026



Whiskered tern na ibon - Courtesy DENR Zamboanga Peninsula

Photo: Whiskered terns - Courtesy DENR Zamboanga Peninsula



Nasagip ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang dalawang whiskered tern na natagpuang mahina ang kondisyon at putol ang mga pakpak sa isang palayan sa Kalawit, Zamboanga del Norte.


Ayon sa DENR-Zamboanga Peninsula, nakita ni Forest Protection Officer Jinggoy Garcia ang mga ibon noong Oktubre 4 sa Purok 3, Barangay Bantayan.


Sinabi ng ahensya na tila sinadyang putulin ang mga pakpak ng mga ibon, kaya nahirapan silang lumipad, gumalaw at maghanap ng pagkain.


Dinala ang dalawang ibon para masuri ang kanilang kalagayan at matukoy ang nararapat na pangangalaga.


Hinimok naman ng DENR ang publiko na ireport sa pinakamalapit na tanggapan nito ang mga sugatan o inaabusong ligaw na hayop.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page