ni Gina Pleñago | September 15, 2020

Ligtas at hindi papalya ang pagbibigay ng gamot sa mga pasyente ng COVID gamit ang Robonurse sa lakeshore hotel sa mega quarantine facility.
Ipinaliwanag ito ni Dr. Jun Sy, ng epidemiology surveillance unit ng Taguig City Government nang magsagawa ng demonstration na may kakayahan umano ang Robonurse na gawin ang tungkulin ng isang nurse upang maiwasan ang closed contact ng pasyente at nurse personnel na nakatalaga sa facilities.
Puwede rin umanong makausap ng pasyente ang naturang Robonurse habang nagbibigay ng medicine o upang ituro ang oras ng pag-inom ng gamot sa mga pasyente na tinamaan ng virus na ino-operate naman ng isang nurse.
Ang lakeshore hotel mega quarantine facilities ay kaya umanong i-accommodate ang 500 pasyente na aalagaan naman ng mga doktor at nurse katuwang ang Robonurse.
Sa ngayon, nagde-develop pa ang Taguig City Government ng karagdagang Robonurse na gawa ng high school students ng Senator Rene Compañero Cayetano Memorial Science and Technology.