top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS
Search

by BRT @News | March 3, 2026



Airport

Photo FIle



Nagpatupad na ang pamahalaan ng deployment ban para sa first-time overseas Filipino workers (OFWs) na patungo sa ilang bansa sa Middle East dahil sa tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.


Ito ay matapos itaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Alert Level 2 ang sitwasyon sa United Arab Emirates, Bahrain, Qatar, Kuwait, at Israel.


Kapag nasa Alert Level 2 ang isang bansa ay awtomatikong ipinagbabawal ang deployment ng mga bagong OFW doon.


Samantala, nananatili ang mas mahigpit na alerto sa ibang lugar sa rehiyon.

Nasa Alert Level 3 ang Lebanon na nagbabawal sa pagpapadala ng mga manggagawa, habang Alert Level 4 naman sa Iraq at Syria, at Alert Level 1 ang Jordan.

 
 

ni Gina Pleñago @News | March 3, 2026



Bureau of Corrections

Photo: Ang mga overseas Filipino worker na na-stranded sa Hong Kong International Airport matapos ma-cancel ang kanilang flight pa-Abu Dhabi dahil sa nangyayaring tensyong  sa Middle East. (Gina Pleñago)



Ligtas na nakauwi sa Pilipinas kahapon ng umaga ang 57 overseas Filipino workers (OFWs) na na-stranded sa Hong Kong International Airport matapos ma-cancel ang kanilang mga flight patungong Abu Dhabi dahil sa tensyon sa Middle East.


‎Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), bago pa ang departure papauwi na ang mga stranded na OFWs, naihatid na ng Migrant Workers Office (MWO) ang mga kaukulang tulong. Partikular ang airport assistance, basic needs at referrals na kanilang kailangan.


Sa ngayon, kasalukuyang naka-standby ang iba pang tauhan ng MWO sa Hong Kong International Airport para ihatid ang assistance sa mga naiwan pang OFWs.


Kabuuang 132 stranded OFWs patungong Riyadh at Dubai naman ang naasikaso at nabigyan ng suporta habang hinihintay ang updates at susunod na travel arrangements.

Sa nasabing bilang, 47 OFWs ang binigyan ng airline tickets para makabalik sa Pilipinas habang inaayos ang kanilang deployment at iba pang dokumentasyon.

 
 

ni Mylene Alfonso @News | March 1, 2026



Pagsabog sa Tehran, Iran nitong Feb. 28, 2026 matapos ang air strike ng US - AP Photo

Photo: Pagsabog sa Tehran, Iran nitong Feb. 28, 2026 - AP Photo



Inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) na i-locate ang mga Pilipino sa Iran kasunod ng mga ulat ng mga airstrike.


“We have received reports of airstrikes which hit Iran. We are in the process of getting more information. In the meantime, the safety of Filipino citizens in Iran and in the Middle East is paramount,” ani PBBM.


“I have instructed the DFA and the DMW to take measures to determine their whereabouts in affected areas and to take immediate measures to ensure their safety,” dagdag pa ng Pangulo.


Una nang kinumpirma ni US President Donald Trump na naglunsad ng pag-atake ang Amerika kasama ang Israel sa Iran, kahapon.


Ayon kay Trump, sinimulan nang isagawa ang “major combat operations” sa Iran.

Inihayag naman ni Israeli Defense Minister Israel Katz na naglunsad ang kanilang bansa ng pre-emptive attack sa Tehran kasabay ng pagkumpirma ng Israel military na gumanti ng pag-atake ang Iran.


Ang pag-atake sa Iran ay sa gitna ng pag-igting ng pressure ng Amerika sa Tehran para pumayag sa bagong kasunduan sa nuclear programme.


Una nang inihayag ni Trump na hindi siya masaya sa naging resulta ng negosasyon nila ng Iran sa idinaos na nuclear talks.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page