top of page
Gelli de Belen - IG.jpg
Search

by BRO @News | September 28, 2026



Filipino astronauts PBBM - PCO

Photo: Ang pagharap ni Pangulong Marcos sa apat na “analog astronauts” sa Malacañang at bilang pagpapahayag ng suporta nito. Presidential Communications Office



Mula sa dating pangarap na maging astronaut, ngayon ay nakaharap mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang apat na Filipino na sumabak sa mga space simulation mission at training sa iba’t ibang bansa.


Nakipagkita si Marcos sa apat na “analog astronauts” sa Malacañang nitong Huwebes at ipinahayag ang suporta sa kanilang mga ginagawa sa space science at technology.


Kabilang sa nakilala niya sina Kristine Jane Atienza, Dr. Marvic Jon Alcantara, Florence Pauline Basubas at Dr. Mark Angelo Purio.


Hinimok sila ng Pangulo na ibahagi ang kanilang karanasan upang mahikayat ang mas maraming kabataang Pinoy na pasukin ang larangan ng space science.


“Congratulations. Keep it going,” sabi ni Marcos.


Ang analog astronauts ay sumasailalim sa mga simulation ng mga kundisyong maaaring maranasan sa Moon, Mars o outer space, gaya ng isolation, limitadong resources at communication delays.


Samantala, inihahanda rin ng Philippine Space Agency ang mga susunod na hakbang para sa human spaceflight at pagpapaunlad ng sariling rocket technology ng bansa.

 
 

ni Mervin Reyes @News | September 25, 2026



Discord ban, inalis na

Photo: File



Inanunsyo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na inalis na nitong Huwebes, Setyembre 24, ang ban sa Discord matapos mangako ang platform na makikipagtulungan sa gobyerno sa pagpapalakas ng online safety at paglaban sa online grooming.


Nangako rin ang Discord na magtatatag ng local presence at magbibigay ng “green lane” upang mas mabilis na matukoy at ma-monitor ng mga awtoridad ang kahina-hinalang aktibidad.


Ayon sa CICC, may presensya umano ng Nihilistic Violent Extremism (NVE) groups sa mga platform na iniuugnay sa recruitment at grooming ng teenagers.



 
 

by Mervin Reyes @News | September 22, 2026



Pinondohan ng bilyun-bilyong piso ng gobyerno... Pekeng "Free WiFi", iniimbestigahan na — Ombudsman


Iniimbestigahan ng Office of the Ombudsman ang umano’y mga pekeng proyektong “Free WiFi” na pinondohan ng bilyun-bilyong piso mula sa pambansang pamahalaan.


Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, maaaring niloloko ang publiko dahil bagama’t may mga itinayong hardware gaya ng mga router, hindi naman gumagana o walang epektibong internet service na naibibigay sa mga mamamayan.


Sinabi ni Clavano na nakatuon ang fact-finding investigation sa software at mga sistemang ginamit sa proyekto. 


Lumalabas umano sa paunang pagsusuri na hindi maayos at kulang ang mga sistema upang palabasing gumagana ang libreng WiFi sa mga pampublikong lugar.


Hindi muna nagbigay ng detalye ang opisyal sa mga partikular na probinsya o pasilidad na saklaw ng imbestigasyon habang nagpapatuloy ang fact-finding, ngunit sinabi niyang buong bansa ang sakop ng pagsusuri.


Kasunod ito ng naunang ibinunyag ng Ombudsman na umano’y “ghost internet scheme” sa mga IT system ng pamahalaan, kung saan ginagamit umano ng ilang kontraktor ang lumang software at pekeng sistema habang patuloy na naniningil para sa mga inilagay na kagamitan.


Sentro ng imbestigasyon ang Department of Information and Communications Technology (DICT), na nagpahayag na bukas ito sa imbestigasyon at hindi nito kinukunsinti ang anumang uri ng korapsyon sa ahensya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page