top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

32 TEAMS SA NBTC SIMULA NA ANG NATIONAL FINALS

A. Servinio
Mar 18, 2019
2 min read

MAGSISIMULA ngayong Lunes ang 2019 Chooks To Go SM National Basketball Training Center (NBTC) National Finals sa SM Mall of Asia Arena kung saan malalaman kung sino sa 32 koponan ang magiging pambansang kampeon sa High School.

Bago ang lahat, gaganapin ngayong araw at libre ang manood sa walong laro sa tinatawag na seeding round para mabuo ang mga maglalaro sa unang round ng torneo sa Martes.

Pagkatapos ng bunutan na pinangasiwaan ni Coach Eric Altamirano ng NBTC, ang 16 koponan ay binigyan ng numero at kalaro.

Ang lahat ng magwawagi ay makukuha ang mas mataas na numero sa dalawa at makatatapat ang sinasabing mas magaan na kalaban sa knockout phase ng torneo kung saan isang talo ay hudyat para umuwi na.

Sa lahat ng laro, inaasahan na aabangan ang huling dalawa sa pagitan ng #12 FilAm Sports ng Estados Unidos at #13 AusPinoy ng Australia sa 5:00 p.m. at ang #11 Top Flight Hoops ng Canada at #14 Camp David ng New Zealand sa 6:00 ng gabi. Ang Fil-Am ay pangungunahan nina Jalen Green na naglaro para sa U.S. sa nakaraang FIBA Under-17 World Cup sa Argentina at si Jaron Artest na anak ni dating NBA player Metta World Peace sa kanyang Pinay na asawa.

Bubuksan ang aksyon sa 8:00 a.m. sa laban ng #28 Holy Trinity College ng General Santos City at #29 Lyceum of the Philippines University-Cavite. Susundan ito ng University of Baguio at Dolores National High School ng Eastern Samar sa 9:30.

Ang huling laro sa umaga ay ang #25 Narvacan Central National High School ng Ilocos Sur at #32 Isabela Colleges ng Cauayan City sa 11:00.

Pagdating ng hapon, maghaharap ang #26 Santa Clarita International School ng Iloilo at #31 Zamboanga del Sur National High School ng Pagadian City sa 12:30, #10 Far Eastern University kontra #15 Durham Crossover ng Canada at #9 Proudly Pinoy ng Italya at #16 Hope Christian High School sa 3:30.

Naghihintay sa kanila sa Martes ang 16 iba pang bigating paaralan kabilang ang defending champion Nazareth School of National University. Binigay na sa Bullpups ang #1 ang susundan sila ng #2 hanggang #8 na Mapua University at marami pang iba.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page