top of page
Pokwang.jpg

Doneza, 1st Pinay senior citizen sa 2,557 KM ultramarathon

Writer: BULGAR
BULGAR
2 days ago
1 min read

by MC @Sports News | October 16, 2026



Dagdag insentibo pa ng Asiad medalists hihilingin

Photo: Doneza



Pinatunayan ng 64-anyos na Pinay senior citizen na kalabaw lang ang tumatanda at umukit  na sa kasaysayan ng bansa ang kabuuang 2,557 kilometro na natapos takbuhin ng tubong Batangas City na si Marlene Gomez Doneza na umabot sa Pagudpud, Ilocos Norte kahapon.  


Sa pamamagitan ng Trans Pilipinas Endurance Run, nagsimulang takbuhin ng tinaguriang Running Inay ang magmula Mindanao sa General Santos City, South Cotabato at kahapon ay tinapos na niya sa Ilocos Norte. Umabot ng halos 58 araw ang kanyang advocacy run na bawat araw ay tinatakbo niya ang average na 43 kilometro upang makumpleto ang layuning ipakita sa mga kaedad niya na manatiling aktibo, inspirado na tulad niya'y natakbo pa ang mula katimugang bahagi ng Mindanao hanggang sa hilagang bahagi ng Ilocos Norte.


Sinalubong siya ng galak at pagpupugay, ginawaran ng medalya at isang bouquet na bulaklak ng mga kinatawan ng Munisipalidad ng Pagudpud habang kaagapay ang Kabalikat Civicom sa pag-alalay sa kanya bago makarating sa finish line.   


Makasaysayan ang adbokasiyang ito ni 'Running Inay' dahil siya na ang itinuturing na unang Filipina senior citizen ultramarathoner na nagtagumpay na tahakin sa pamamagitan ng pagtakbo ang buong archipelago ng Pilipinas.


Una niyang natakbo noong 2025 ang mula Sorsogon hanggang Ilocos Norte sa habang 1,400 km sa loob ng 36 na araw.





Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page