top of page
Kim Chiu - IG.jpg
Search

by Gerard Arce @Sports News | July 24, 2026



Alex Eala - Instagram

Photo: Hindi umubra ang matinding pag-atake ni Michaella Ma ng Enderun College sa sabayang depensa nina #16 Carlyn Tizon at #23 Joy Silorio ng San Juan De Letran sa kasagsagan ng laro sa Shakey's Super League National Invitationals Rising Stars, Elite Talent, Global Stage Collegiate division sa Ninoy Aquino Stadium sa Rizal Memorial Sports Complex kahapon. (Reymundo Nillama)  



Kinumpleto ng Letran Lady Knights ang Final 4 cast sa pagpapamalas ng pusong kampeon nang takasan ang Enderun Colleges sa 21-25, 25-21, 25-14, 14-25, 15-4 at siguruhin ang silya sa semifinal round sa 2026 Shakey’s Collegiate National Invitationals kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Maynila.

 

Pinagbuklod nina Judiel Nitura at Reeza Abayon ang mga kakayahan  upang pag-ibayuhin ang atake ng Lady Knights sa 5th set at tapusin ang elimination round na may tangan na 2-3 win-loss rekord.


Natakdang makasagupa ng Letran ang top-seeded na UST Golden Tigresses sa knockout semifinals sa Biyernes, habang magpupukpukan ang five-time NCAA titlists na CSB Lady Blazers at Australian guest team Southern Storm Melbourne sa hiwalay na Final 4 showdown.  Ginabayan din ni ace playmaker Hizki Flores ang Lady Knights, upang maikubra ang mga krusyal na atake tungo sa panalo.


Ang sinasabi ko lang sa kanila na kung ano ang itinuturo ni coach 'yun ang dapat gawin at sundin namin. Nag-adjust kami paunti-unti kaya nakuha namin ang panalo,” wika ni Flores, na lumista ng 16 excellent sets para sa 57 puntos sa Lady Knights.


 
 

by Gerard Arce @Sports News | June 16, 2026



Alas Phl Women 8th place, Iran 7th sa Candon AVC Cup

Photo: Hindi inabutan ng pagdepensa nina #2 Jordyn Poulter at #16 Daba Rettke ng United States of America ang banat na pag-atake ni Michaela Mlejnkova ng Czechia sa maaksyong tagpo nila ng Women's Volleyball League na ginaganap sa Philsports Arena, Pasig City kahapon. (Reymundo Nillama) 



Mga laro ngayong Biyernes

(Philsports Arena, Pasig City)

4 pm – Dominican Republic vs Serbia

8 pm – Japan vs Czechia

 

Nagpatuloy sa pananalasa ang three-time world champion United States of America matapos dominahin ang Czechia sa straight sets 25-17, 25-12, 25-16, kasunod ng matibay na depensa upang makamit ang ikalimang panalo sa pagpapatuloy ng hampasan ng Philippine leg ng Volleyball Nations League kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.


Muling nanguna pagdating sa atake si Jordan Thompson sa 15 puntos mula sa 14 atake at isang block, at dalawang excellent digs habang mayroon itong 55.85 efficiency percentage upang maipagpatuloy ang kahusayan sa Week 1 ng opener ng VNL Week 2 na prinisinta ng Philippine Sports Commission.


Nagpamalas ang World No. 6 ng matinding atake sa kabuuang 40 puntos kontra 27 ng Czechia, ngunit mas nangibabaw ang matatag na net defense ng koponan sa 12 blocks, habang naging malinis ang takbo ng opensa at sistema sa limang errors lamang kumpara sa 15 ng Czech Republic.


Naging matatag ang puwesto ng Amerika sa second place sa likod ng unbeaten Brazil sa 5-1 win-loss record na sinegundahan sa atake ni outside hitter Logan Eggleston sa 11 marka mula sa siyam na kills at dalawang aces kasama ang apat na digs, habang nangibabaw sa depensa si middle blocker Chiaka Ogbogu na may impresibong anim na blocks at limang atake para sa kabuuang 11 puntos.


Nag-ambag din para sa American squad si Avery Skinner sa siyam puntos galing sa pitong atake at dalawang net blocks, kasama ang tig-apat na digs at receptions.          

 
 
RECOMMENDED
bottom of page