by Gerard Arce @Sports News | June 22, 2026

Photo: Nagpakatatag sa pag-atake ng bola si #25 Nina Cajic ng Serbia sa harap ng mahigpit na depensa nina #2 Jordyn Poulter at #24 Chiaka Ogbogu ng United States sa huling tagpo ng aksyon sa Women's Volleyball Nations League sa PhilSports Arena, Pasig City. (Reymundo Nillama)
Winalis ng three-time world champion United States of America ang lahat ng laro sa Philippine leg matapos isama sa listahan ang Serbia sa 25-22, 18-25, 25-16, 25-19, habang nakamit ng Czechia ang come-from-behind panalo laban sa Dominican Republic sa 17-25, 24-26, 25-18, 31-29, 15-10 sa huling araw ng aksyon ng Women’s Volleyball Nations League kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Nalasap ng US squad ang unang pagkatalo sa set ngayong linggo sa Pasig City leg kasunod nang magkakadikit na straight set panalo upang kumpletuhin ang mga laro sa bansa tungo sa 7-1 win-loss record at kanilang ika-anim na sunod na panalo sa pampalakasang itinanghal ng Philippine Sports Commission (PSC), na nangungunang taunang pandaigdigang kumpetisyon ng International Volleyball Federation (FIVB)..
Nairehistro rin ng USA ang pinakamaraming puntos sa Pool Five sa pagkuha ng buong 12 para sa kabuuang 20 para makuha ang pansamantalang kalamangan sa Week Two, kung saan nakuha ang unang panalo laban sa Ukraine, habang nalasap ang unang pagkatalo kontra World No. 10 Canada sa Week 1 laro na ginanap sa Quebec City, Canada.
Nakabawi naman ang US sa France sa na sinundan ng panalo laban sa Germany, Dominican Republic, Czechia at dfending champion at World No.1 Italy.
Nakabuntot naman ang Brazil na may 19 puntos at nakatakdang harapin ang Germany sa Ankara leg sa Turkiye. Nanguna sa atake ng US sina Avery Skinner at Logan Eggleston na bumira ng pinagsamang 16 kills sa kabuuang 62 attack points ng koponan. Tumapos ng kabuuang 18 marka si Skinner habang may halos triple-double si Eggleston sa 17 puntos.
Si Monika Brancuska ang umiskor ng 28, three blocks at 2 aces nang tapusin ng Czechs ang three-match losing streak.

