top of page
Nadine Lustre - Zero Studio PH.jpg
Search

by Gerard Arce @Sports News | October 12, 2026



Nakuha ni #18 Nicollete Anne Gaa ng Perpetual Help Lady Altas ang bola na binanat ni #9 Janelle Bachar ng San Beda habang nakaabang si #6 Edel Mae Valdez sa 2026 Shakey's Super League Unity Cup - Ben Maniclang

Photo: Nakuha ni #18 Nicollete Anne Gaa ng Perpetual Help Lady Altas ang bola na binanat ni #9 Janelle Bachar ng San Beda habang nakaabang si #6 Edel Mae Valdez sa 2026 Shakey's Super League Unity Cup sa Rizal Memorial Coliseum kahapon. Wagi ang Lady Altas 28-30, 25-19, 23-25, 25-17,16-14 na umabot sa 5th set. (Ben Maniclang)



Mga laro sa Biyernes

(Rizal Memorial)

1 p.m. - Letran vs San Beda

3 p.m. - JRU vs CSB

5 p.m. - NU vs Perpetual 



Nanatiling buhay ang tsansa sa playoffs ng UPHSD DALTA Lady Altas matapos na matakasan ang San Beda  na nagtapos sa dikdikang 28-30, 25-19, 23-25, 25-17, 16-14, upang makuha ang unang panalo sa 2026 Shakey’s Super League (SSL) Unity Cup kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.


Naging sandalan pagdating sa opensa ng Lady Altas si Jemalyn Menor, habang sumaklolo rin sa importanteng yugto sa laro si Cyrille Almeniana na bumirada ng  krusyal na puntos para makuha ang 1-1 rekord sa Pool A. 


 “Talagang nagtulungan kami sa loob ng court, pinaghirapan namin talaga ito para maipanalo ‘yung game namin ngayong araw,” pahayag ni Menor, na nag-ukit ng game-high 25 points mula sa 23 kills, at tig-isang ace at block. 


Nagdagdag si Almeniana ng 14 points, galing sa 13 atake.  Tanging dalawang koponan lang ang uusad sa susunod na round, na pinagbibidahan ng 5-peat-seeking NU Lady Bulldogs sa 3-0, habang bida sa Pool B ang last year runner-up na UST (2-0); FEU  (2-0) sa Pool C at UP (2-0) sa Pool D.


Nalasap ng San Beda ang ikalawang sunod na pagkatalo na pinagbidahan ni Angel Habacon sa 16 puntos.



 
 

by Gerard Arce @Sports News | June 25, 2026



Gilas Women sabak sa FIBA 3x3 Ulaanbaatar 

Photo: Pangungunahan ni Mikha Cacho ng Gilas Pilipinas women kasama ang Manila Gilas sa kanilang kampanya sa FIBA3x3 Women's Series 2026 Ulaanbaatar Stop sa Sukhbaatar Square, Mongolia. (fbpix)



Laro ngayong Huwebes - Sukhbaatar Square

10:50 AM Pilipinas vs. NZ

11:15 AM Manila vs. Lion City

12:30 PM Pilipinas vs. Paraguay

12:55 PM Manila vs. Sukhbaatar


Magbabalik ang Gilas Pilipinas at Manila Gilas sa FIBA3x3 Women's Series 2026 Ulaanbaatar Stop ngayong Huwebes sa Sukhbaatar Square, Mongolia. Daraan muna ang mga koponang Pinay sa qualifier at pareho silang mabigat na paboritong umangat at labanan ang mga bigatin.


Binubuo ang Gilas ng numero unong manlalaro ng bansa Mikka Cacho, #3 Reynalyn Ferrer, #5 Kacey dela Rosa at #9 Camille Clarin. 


Nasa Manila sina #2 Kaye Pingol, Samantha Harada, Karl Anne Pingol at Angelica Surada.


Unang haharapin ng Pilipinas na #23 sa FIBA3X3 Ranking ang #24 Aotearoa New Zealand at #76 Paraguay. Kung mananaig, tutuloy sila sa Pool C kung saan naghihintay ang Japan at Pransiya Under-25.


Ang Manila ay itinuring na club at nakatakdang tapatan ang Lion City ng Singapore at Sukhbaatar ng Mongolia. Ang papalarin ay ilalagay sa Pool D kasama ang Mongolia at Tsina.


Lumilitaw na mabigat na paborito ang Ulaanbaatar Amazons na pangungunahan ang Pool A kasama ang Thailand at Singapore. Binubuo ang Pool B ng Alemanya at mga club Amgalan ng Mongolia at Yanjing ng Tsina.


Nais bumawi ang Gilas mula sa pagtatapos ng ika-14 sa pambungad na Chengdu Stop at ika-11 sa Manila Stop sa MOA noong Mayo para maging ika-31 sa 55 kalahok matapos ang unang pito sa 24 yugto. Nagtapos ng ika-15 ang Manila sa MOA at nasa ika-49.


Mapapanood ang mga laro sa opisyal na YouTube ng FIBA3x3. Ang playoffs ay sa Biyernes kung saan $14,000 (₱860,059) ang naghihintay sa kampeon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page