top of page
SHEET - PAULO, MAY PATUTSADA SA NINAKAW NA PERA_IG _pauavelino.jpeg
Search

by Gerard Arce @Sports News | August 12, 2026



Jerusalem, nakaabang sa bagong world title match

Photo: File / Melvin Jerusalem



Nanatiling  tahimik na naghihintay at nag-aabang si two-time world champion Melvin “El Gringo” Jerusalem sa susunod na makakatapat sa magwawagi sa pagitan nina reigning World Boxing Council (WBC) minimumweight titlist Siyakholwa Kuse ng South Africa at World Boxing Association (WBA) regular mini-flyweight Japanese champion Ryusie Matsumoto ng Japan.


Matapos mabitawan ang WBC title noong Mayo 16 sa pagdayo sa Gauteng, Kempton Park sa Emperors Palace sa South Africa, na nagtapos sa 12-round unanimous decision para kay Kuse, isinantabi muna ang naunang planong trilogy at binigyang-daan muna ang unang title defense ng South African.


“Waiting lang kami kung sino ang mananalo sa kanila,” pahayag ni head trainer Michael Domingo sa panayam ng Bulgar Sports kahapon, na nilinaw na mayroon silang rematch clause sa kontrata. “Still training naman si Melvin para sa next opportunity,”


Tuloy pa rin ang ensayo ng 32-anyos na tubong Manolo Fortich, Bukidnon upang maging handa anumang oras na nabigong madepensahan ang korona sa ika-apat na pagkakataon, upang maging tabla ang harapan nina Jerusalem (25-4, 12KOs) at Kuse (10-3-1, 4KOs).


Inamin rin ni Domingo na abang rin sila sa tuluyang pag-angat ni unified WBA (Super) at World Boxing Organization (WBO) kingpin Oscar “El Pupilo” Collazo (15-0, 12KOs) ng timbang, upang maikasa ang anumang laban kay Jerusalem na No.1 sa WBC, No.2 sa WBO rankings at No. 7 sa International Boxing Federation (IBF) title na hawak ni Pinoy Pedro “Kid Pedro Heneral” Taduran, na sinusubukang ipares kay unbeaten Spaniard Brandon Moreno (16-0, 5KOs).


“Baka mag-vacant na si Collazo. Magandang laban Jerusalem vs Matsumoto, kase puwede silang maglaban sa WBO kasi #1 ang Japanese, #2 si Melvin. If mag-order ang WBO, magandang laban ’yan.

 
 

by Gerard Arce @Sports News | June 25, 2026



Gilas Women sabak sa FIBA 3x3 Ulaanbaatar 

Photo: Pangungunahan ni Mikha Cacho ng Gilas Pilipinas women kasama ang Manila Gilas sa kanilang kampanya sa FIBA3x3 Women's Series 2026 Ulaanbaatar Stop sa Sukhbaatar Square, Mongolia. (fbpix)



Laro ngayong Huwebes - Sukhbaatar Square

10:50 AM Pilipinas vs. NZ

11:15 AM Manila vs. Lion City

12:30 PM Pilipinas vs. Paraguay

12:55 PM Manila vs. Sukhbaatar


Magbabalik ang Gilas Pilipinas at Manila Gilas sa FIBA3x3 Women's Series 2026 Ulaanbaatar Stop ngayong Huwebes sa Sukhbaatar Square, Mongolia. Daraan muna ang mga koponang Pinay sa qualifier at pareho silang mabigat na paboritong umangat at labanan ang mga bigatin.


Binubuo ang Gilas ng numero unong manlalaro ng bansa Mikka Cacho, #3 Reynalyn Ferrer, #5 Kacey dela Rosa at #9 Camille Clarin. 


Nasa Manila sina #2 Kaye Pingol, Samantha Harada, Karl Anne Pingol at Angelica Surada.


Unang haharapin ng Pilipinas na #23 sa FIBA3X3 Ranking ang #24 Aotearoa New Zealand at #76 Paraguay. Kung mananaig, tutuloy sila sa Pool C kung saan naghihintay ang Japan at Pransiya Under-25.


Ang Manila ay itinuring na club at nakatakdang tapatan ang Lion City ng Singapore at Sukhbaatar ng Mongolia. Ang papalarin ay ilalagay sa Pool D kasama ang Mongolia at Tsina.


Lumilitaw na mabigat na paborito ang Ulaanbaatar Amazons na pangungunahan ang Pool A kasama ang Thailand at Singapore. Binubuo ang Pool B ng Alemanya at mga club Amgalan ng Mongolia at Yanjing ng Tsina.


Nais bumawi ang Gilas mula sa pagtatapos ng ika-14 sa pambungad na Chengdu Stop at ika-11 sa Manila Stop sa MOA noong Mayo para maging ika-31 sa 55 kalahok matapos ang unang pito sa 24 yugto. Nagtapos ng ika-15 ang Manila sa MOA at nasa ika-49.


Mapapanood ang mga laro sa opisyal na YouTube ng FIBA3x3. Ang playoffs ay sa Biyernes kung saan $14,000 (₱860,059) ang naghihintay sa kampeon.


 
 

by Gerard Arce @Sports News | June 22, 2026



Nagpakatatag sa pag-atake ng bola si #25 Nina Cajic ng Serbia sa harap ng mahigpit na depensa nina #2 Jordyn Poulter at #24 Chiaka Ogbogu ng United States sa huling tagpo ng aksyon sa Women's Volleyball Nations League  sa PhilSports Arena, Pasig City.

Photo: Nagpakatatag sa pag-atake ng bola si #25 Nina Cajic ng Serbia sa harap ng mahigpit na depensa nina #2 Jordyn Poulter at #24 Chiaka Ogbogu ng United States sa huling tagpo ng aksyon sa Women's Volleyball Nations League  sa PhilSports Arena, Pasig City. (Reymundo Nillama)



Winalis ng three-time world champion United States of America ang lahat ng laro sa Philippine leg matapos isama sa listahan ang Serbia sa 25-22, 18-25, 25-16, 25-19, habang nakamit ng Czechia ang come-from-behind panalo laban sa Dominican Republic sa 17-25, 24-26, 25-18, 31-29, 15-10 sa huling araw ng aksyon ng Women’s Volleyball Nations League kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.


Nalasap ng US squad ang unang pagkatalo sa set ngayong linggo sa Pasig City leg kasunod nang magkakadikit na straight set panalo upang kumpletuhin ang mga laro sa bansa tungo sa 7-1 win-loss record at kanilang ika-anim na sunod na panalo sa pampalakasang itinanghal ng Philippine Sports Commission (PSC), na nangungunang taunang pandaigdigang kumpetisyon ng International Volleyball Federation (FIVB)..


Nairehistro rin ng USA ang pinakamaraming puntos sa Pool Five sa pagkuha ng buong 12 para sa kabuuang 20 para makuha ang pansamantalang kalamangan sa Week Two, kung saan nakuha ang unang panalo laban sa Ukraine, habang nalasap ang unang pagkatalo kontra World No. 10 Canada sa Week 1 laro na ginanap sa Quebec City, Canada.


Nakabawi naman ang US sa France sa  na sinundan ng panalo laban sa Germany, Dominican Republic, Czechia at dfending champion at World No.1 Italy.


Nakabuntot naman ang Brazil na may 19 puntos at nakatakdang harapin ang Germany sa Ankara leg sa Turkiye. Nanguna sa atake ng US sina Avery Skinner at Logan Eggleston na bumira ng pinagsamang 16 kills sa kabuuang 62 attack points ng koponan. Tumapos ng kabuuang 18 marka si Skinner habang may halos triple-double si Eggleston sa 17 puntos.  


Si Monika Brancuska ang umiskor ng 28, three blocks at 2 aces nang tapusin ng Czechs ang three-match losing streak.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page