VP Sara, ginagawang serye ang pulitika, laging may eksena!
- BULGAR

- 4 hours ago
- 2 min read
ni Ka Ambo @Bistado | May 4, 2026

Terminated na raw ang US-Iran war.
Pero, hindi pa raw “The end.”
-----$$$--
Gusto lang ni US President Donald Trump na iwasan ang tinatawag na “War resolution”—permiso ng giyera mula sa US Congress.
Kinopya ni Trump ang diskarteng Tulfo: Bend the law!
---$$$--
Tataas uli ang presyo ng diesel.
Parang “aswang”—pabalik-balik, at walang kamatayan!
----$$$--
Isasalang sa Impeachment Trial si VP Sara.
Lalo siyang sisikat!
-----$$$--
Kulang na lang kay VP Sara ay gumawa ng pelikula.
Tiyak na papatok sa takilya.
Ang kanyang “movie PR” ay ang mismong mga “political at media” operator ng kanyang mga kalaban.
He-he-he!
-----$$$--
KUNG gusto ninyong matalo sa 2028 si VP Sara, dapat ay gumawa kayo ng paraan kung paano—mawawala sa mainstream at social media ang pangalang “SARA DUTERTE” sa loob ng anim na buwang singkad.
Sa showbiz, negative PR—still a PR!
Kapag hindi na pinag-uusapan ang “pangalan”—matatalo na ‘yan!
-----$$$--
Hindi si PBBM ang kalaban ni VP Sara.
Ang kalaban niya ay “walang pangalan”—at nanatiling multo hanggang ngayon!
-----$$$--
KUNG ang eleksyon ay isang script sa pelikula, magagalit ang mga manonood.
Kasi ang bida ay nakikita, pero ang kontrabida ay “walang imahe.”
-----$$$---
Anim na buwan bago ang Mayo, 2028—hindi na kasali sa “usapan si PBBM”—dahil hindi naman siya kakandidato.
Oh sige, nasaan at sino ang kalaban ni VP Sara?
-----$$$--
DAHIL “no-contest” ang 2028 presidential election—ngayon pa lamang ay makikita natin ang indikasyon.
Isa ring “no-contest” para hindi makaupo ang “llamado.”
-----$$$--
Ngayon lamang tayo makakasaksi sa isang demokratikong gobyerno na ang “posisyon” sa panguluhan ay hindi idinaraan sa “balota.”
Bagkus ang huhusga ay ang “hudikatura at lehislatura”.
Malinaw na malinaw na kontra ito sa itinatadhana ng sagradong Konstitusyon.
Tama o mali?
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.




Comments