top of page
Search

ni Ka Ambo @Bistado | May 4, 2026



Bistado ni Ka Ambo


Terminated na raw ang US-Iran war.

Pero, hindi pa raw “The end.”


-----$$$--


Gusto lang ni US President Donald Trump na iwasan ang tinatawag na “War resolution”—permiso ng giyera mula sa US Congress.

Kinopya ni Trump ang diskarteng Tulfo: Bend the law!


---$$$--


Tataas uli ang presyo  ng  diesel.

Parang “aswang”—pabalik-balik, at walang kamatayan!


----$$$--


Isasalang sa Impeachment Trial si VP Sara.

Lalo siyang sisikat!


-----$$$--


Kulang na lang kay VP Sara ay gumawa ng pelikula.

Tiyak na papatok sa takilya.


Ang kanyang “movie PR” ay ang mismong  mga “political at media” operator ng kanyang mga kalaban.

He-he-he!


-----$$$--


KUNG gusto ninyong matalo sa 2028  si VP Sara, dapat ay  gumawa kayo ng paraan kung paano—mawawala sa mainstream at social media ang pangalang “SARA DUTERTE” sa loob ng anim na buwang singkad.

Sa showbiz, negative PR—still a PR!

Kapag hindi na pinag-uusapan ang “pangalan”—matatalo na ‘yan!


-----$$$--


Hindi si PBBM ang kalaban ni VP Sara.

Ang kalaban niya ay “walang pangalan”—at nanatiling multo hanggang ngayon!


-----$$$--


KUNG ang eleksyon ay isang script sa pelikula, magagalit ang mga manonood.

Kasi ang bida ay nakikita, pero ang kontrabida ay “walang imahe.”


-----$$$---


Anim na buwan bago ang Mayo, 2028—hindi na kasali sa “usapan si PBBM”—dahil hindi naman siya kakandidato.

Oh sige, nasaan at sino ang kalaban ni VP Sara?


-----$$$--


DAHIL “no-contest” ang 2028 presidential election—ngayon pa lamang ay makikita  natin ang indikasyon.

Isa ring “no-contest” para hindi makaupo ang “llamado.”


-----$$$--


Ngayon lamang tayo makakasaksi  sa isang demokratikong  gobyerno na ang “posisyon” sa panguluhan ay hindi idinaraan sa “balota.”

Bagkus ang huhusga ay ang “hudikatura at lehislatura”.


Malinaw na malinaw na kontra ito sa itinatadhana ng sagradong Konstitusyon.

Tama o mali?




Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.

 
 

ni Ka Ambo - @Bistado | April 12, 2021



Hanggang kahapon ng tanghali, hindi pa rin nagpapakita si P-Digong.


Hindi pa rin bumabalik mula sa Singapore si Mayor Inday.


Huh, taguan-pong!


◘◘◘


MAKAKARAOS nang bakunahan ang lahat ng Kano ngayong Mayo.


Kapag nagkagayon ay saka pa lang, puwedeng i-export sa ibang bansa ang Pfizer, Moderna at Janssen.


'Yan ang aktuwal na kahulugan ng sakim!


◘◘◘


TALIWAS sa U.S., aktuwal na nakatikim ang Pilipinas at iba pang bansa ng Sinovac na bakuna mula sa China.


Aktuwal na daig ng diplomasya ng Tsino ang mga Kano!


◘◘◘


BILANG depensa sa U.S., ipinalulutang ng mga espiya ng Kano at makapili ang pananakop ng China sa West Philippine Sea. Pinamimili ang Pinoy: Bahura o bakuna?


◘◘◘


LUMALAKI ang bilang ng nagpopositibo at namamatay sa COVID-19 sa nagdaraang araw.


Pero, huwag ka, batay mismo sa datos at official statement ng DOH—bumababa nang todo ang transmission rate ng COVID-19. Mula 1.8 percent, 1.2 percent na lang!


◘◘◘


NATUTUTO na sa paglalabas ng impormasyon ang DOH.


Iniwanan na nila ang “modus” ng pananakot at paghahasik ng panic sa publiko!


◘◘◘


MAYORYA ng mga lalawigan at geographical areas sa Pilipinas ay halos walang COVID-19.


Mayorya ng populasyon sa Pilipinas ay hindi na nagsusuot ng facemask at face shield. Punta kayo sa mga lalawigan!


◘◘◘


NAKAPOKUS na lang sa iilang lugar ang inaatake ng virus.


Normal 'yan tulad sa atake ng sugat sa katawan.


Bago gumaling ang sugat, nagkukumpul-kumpol ang nana o bakterya sa iisang sulok lamang.


Senyales na malapit nang makarekober ang biktima!


◘◘◘


HINDI ipinaparalisa ang buong katawan kapag ilang bahagi lang ang may sugat.


Ganyan din sa COVID-19, hindi dapat ipinaparalisa ang ekonomiya—kapag iilang lugar lang ang may COVID-19!


◘◘◘


MALI ang disposisyon ng mga political leaders.


Nagkakamal kasi sila sa inilalabas na ayuda.


Ang mga buwitre ay nagpipiyesta sa inuuod na katawan ng kanilang biktima!


◘◘◘


MARAMING incumbent officials ang sorpresang matatalo sa eleksiyon kahit mamili ng boto.


Ang gagamitin kasi sa vote buying ay “COVID-19 money”.


Nakakasuka ang 2022 election—COVID-19 fund ang campaign fund ng mga buwitre sa pamahalaan!

 
 

ni Ka Ambo - @Bistado | April 11, 2021


Bakit hindi nakapokus ang mga eksperto sa pagtuklas ng gamot kontra COVID?


Imbes na cash o pagkain, bakit hindi gamot ang ipamahagi sa bawat tao o bawat pamilya?


◘◘◘


Bakit walang kasamang vitamins o gamot laban sa sintomas ng COVID o trangkaso ang ipamigay sa bawat barangay?


Bakit hindi magkalat ng rapid test kit sa bawat barangay?

Nakapagtataka talaga!


◘◘◘


May isang grupo ng mga doktor na nakabase sa Europe ang nag-oorganisa upang ibunyag ang kamalian ng mga awtoridad kaugnay sa COVID crisis.


Naniniwala silang may gamot kontra COVID at hindi dapat magsagawa ng lockdown na nagpaguho ng world economy!


◘◘◘


Nasakop na ng mga tao ang Mars.


Kapag nalipol ang tao sa Earth, lilipat ang sibilisasyon sa ibang planeta.

Isang suntok sa buwan!


◘◘◘


Marami na ang nakukunsume at nawawalan ng pag-asa na makapamuhay nang normal.


Sobrang dami ang dumaranas ng depresyon at pagkabagot.


Walang bakuna laban d’yan!


◘◘◘


Walang psychologist na kinukuha ang gobyerno upang masaklolohan ang mga natutuliro sa buhay.


Makikita rito na lihis ang diskarte ng mga kolokoy!


◘◘◘


Isa lang daw kina Mayor Inday at Sen. “Bong” Go ang kakasa sa 2022.

Dapat lang!

◘◘◘


Ano raw ba ang inaasikaso ni Mayor Inday sa Singapore?


Secret!


◘◘◘


Desidido na raw si Sen. Manny Pacquiao na kumandidatong pangulo.


Mainam naman!


◘◘◘


Nakokontrol na ang gobyerno ng mga espiya ng ‘Kano.


Nagsosolo na lang si P-Digong bilang maka-Tsekwa.


Delikado ‘yan!


◘◘◘


Nasaan nga ba si P-Digong.


Baka nagdo-DOTA lang muna?


◘◘◘


Dumarami ang kaso ng COVID sa Bulacan.


Maraming LGU executives na yayaman mula sa ayuda!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page