top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Karapatan ng kababaihan laban sa diskriminasyon sa trabaho

Writer: BULGAR
BULGAR
1 day ago
2 min read

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | October 18, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


May mga pagkakataong ang ating kababaihang manggagawa ay nakararanas ng diskriminasyon sa kanilang pagtatrabaho. Subalit ang ganitong uri ng pagtrato ay hindi pinapayagan ng ating batas para sa mga manggagawa. Ito ay bunsod na rin ng pagkilala ng Estado sa halaga ng sektor ng mga babaeng manggagawa sa ating bansa. Nakasaad sa Artikulo 135 ng inamyendahang Presidential Decree (P.D.) No. 442 o mas kilala sa tawag na “Labor Code of the Philippines,” ipinagbabawal at pinaparusahan ang diskriminasyon, viz.:


“Article 135. Discrimination prohibited. It shall be unlawful for any employer to discriminate against any woman employee with respect to terms and conditions of employment solely on account of her sex.


The following are acts of discrimination:

Payment of a lesser compensation, including wage, salary or other form of remuneration and fringe benefits, to a female employees as against a male employee, for work of equal value; and X x x.”


Bagama’t ang binibigyang kahulugan at sakop ng batas ay orihinal at espisipikong nakalaan para sa mga nararanasang diskriminasyon ng mga kababaihan nating manggagawa, malinaw pa rin sa batas na nabanggit na isang uri ng diskriminasyon ang pagbabayad ng mas mababa o hindi pantay na sahod para sa magkaparehong trabaho.


Dahil dito, kapag napatunayan ng isang empleyadong babae ang diskriminasyon at sadyang naging dahilan ang nabanggit na hindi patas ng pagtrato na magbibitiw sa trabaho, maaaring magsampa ang argabyadong babaeng manggagawa ng kasong Constructive Dismissal laban sa employer o amo nito. Hinggil dito, ayon sa Korte Suprema sa kasong Italkarat 18, Inc. vs. Gerasmio (G.R. No. 221411, September 28, 2020) sinulat ni Honorable Associate Justice Ramon Paul L. Hernando, upang diumano ay magkaroon ng tinatawag na Constructive Dismissal, nararapat na:


“An act, to be considered as amounting to constructive dismissal, must be a display of utter discrimination or insensibility on the part of the employer so intense that it becomes unbearable for the employee to continue with his employment.” 


Sa kabilang banda, kung sakali naman na hindi mapatunayan ang nabanggit na diskriminasyon at ang mapatunayan lamang ay ang malayang pagbibitiw sa trabaho o resignasyon, maaari pa ring makuha ng babaeng manggagawa ang kaukulang suweldo o earned salary na tapat sa pinagtrabahuan nito.


Bukod pa sa mga earned salary, maaari ring mahingi ang mga sumusunod:  Cash conversion ng hindi nagamit na Service Incentive Leaves (SIL), ang pro-rated na halaga ng 13th month pay, at kung nauukol, ang retirement pay. Alinsunod sa Labor Advisory Number 6, Series of 2020 ng Department of Labor and Employment (DOLE), maaaring igiit ang mga ito makalipas ang tatlumpung araw (30) mula sa resignation o pagbibitiw. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page