top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Ipe, todo-tanggol kay Digong, dedma sa kadugo at anak na si Joshua na biktima ng pang-aalipusta

Writer: BULGAR
BULGAR
1 day ago
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 18, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


HINDI NAMAN KADUGO NI IPE SI FPRRD PERO NANG IKULONG ITO SA ICC JAIL NAIYAK PA SIYA, NAGPAKITA NG GALIT SA MARCOS ADMIN, PERO SA ANAK NIYANG SI JOHN AQUINO NA INALIPUSTA NG 'MACHONG CHISMISAN' HOSTS, DEDMA LANG SIYA — Pinuputakti ngayon ng pamba-bash sa social media ang aktor na si Philip Salvador dahil sa pangdededma nito sa ginawang pang-aalipusta ng mga hosts ng "Machong Chismisan" podcast sa anak niya kay Kris Aquino na si Joshua Aquino na may kapansanang autism spectrum.


Maba-bash talaga si Ipe kasi hindi naman niya kadugo si former President Rodrigo Roa Duterte (FPRRD) pero nang hulihin ng kapulisan at ikulong sa International Criminal Court (ICC) jail ang ex-president ay naiyak siya at nagpakita talaga siya ng galit sa Marcos administration, samantalang kadugo niya at anak pa niya ang inalispusta, ay dedma lang siya, hindi siya nagpakita ng galit sa mga hosts ng "Machong Chismisan," tsk!


XXX


MALI ANG AKALA NG MGA SANGKOT SA P11B PHARMALLY SCAM NA LUSOT NA SILA SA KASO KASI SINAMPAHAN NA SILA NG OMBUDSMAN NG PLUNDER CASE — Sinampahan na ng Ombudsman ng kasong plunder ang 46 kataong sangkot sa P11 billion Pharmally scam na naganap noong panahon ng COVID-19 pandemic.


Kung ganoon, mali ang akala ng 46 scammers na ito na lusot na sila sa kaso kasi kapag nagpalabas na ng warrant of arrest laban sa kanila ang Sandiganbayan, at dahil ang kaso ay plunder, magsasama-sama silang mabubulok sa city jail, abangan!

XXX

INIATRAS NG PROSECUTION ANG ARTICLE 1 AND 3 DAHIL ANG PLANO PALA NILA AY PAKASUHAN NG PLUNDER AT GRAFT SI VP SARA SA OMBUDSMAN — Sinabi ni House Prosecution panel head, Batangas 2nd Dist. Rep. Jinky Luistro na isusumite nila sa Ombudsman ang mga ebidensya na may kinalaman sa misuse ng confidential funds at bribery laban kay Vice President Sara Duterte.


Kung ganun, planado talaga ng prosecution panel ang ginawa nilang pag-atras sa Article 1 (misuse confi funds) at Article 3 (bribery) upang bukod sa impeachment, ay kasuhan din ng Ombudsman ng kasong plunder at graft si VP Sara, boom!


XXX


KAPAG DINEDMA NG KONGRESO ANG PAGSASABATAS NG ANTI-POLITICAL DYNASTY, DAPAT GAWIN NG TAUMBAYAN IBASURA ANG LAHAT NG MAGKAKAPAMILYANG SABAYANG KAKANDIDATO SA 2028 ELECTION — Umarangkada na ang "Dapat Isa Lang" movement na nananawagan sa Kongreso na magpasa ng batas patungkol sa anti-political dynasty, na dapat isa lang sa bawat angkan ang papayagang kumandidato sa kada eleksyon sa bansa, pero ang masaklap, dedma lang dito ang majority senators and congressmen.


Ganito na lang ang dapat gawin ng mamamayan kapag hindi gumawa ng batas kontra political dynasty ang Kongreso, ang lahat ng magkakamag-anak na sabayang kakandidato sa 2028 election ay dapat, lahat sila ibasura ng taumbayan sa takdang araw ng halalan, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page