Tatay ng anak ni Kris, dedma… IPE, KINALAMPAG NI POKWANG NA IPAGTANGGOL SI JOSHUA SA MGA NANLAIT

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | October 18, 2026

Photo: Pokwang
Hindi pa rin humuhupa ang isyung pangungutya kay Joshua Aquino na panganay ni Kris Aquino ng mga hosts ng podcast na Machong Chismisan.
Nanawagan ang komedyanang si Pokwang sa aktor na si Phillip Salvador na magparamdam at ipagtanggol ang anak nitong si Josh dahil kinutya ito sa Machong Chismisan podcast. Sinabihan lang naman itong ‘walang kuwenta’ at ‘nakatunganga lang habang ang allowance ay P3,000 a day.’
Sa pamamagitan ng kanyang official Threads account, ani Pokwang, “Pakigalaw ang baso, Mr. Phillip Salvador, kahit ngayon lang, alang-alang kay Josh na napakabuting bata. ‘Di n’ya deserve na ma-bully, gayundin ang sinumang nasa kalagayan n’ya. GALAW!
“Dear Mr. Philip Salvador, galawin mo ang baso para kay Josh. Napakabuti ng puso ng bata at ‘di n’ya deserve ‘to, gayundin ang sinumang may kapansanan. ‘Gentle giant’ ang tawag ko sa kanya dahil napakabait n’yang bata. Galaw-galaw naman d’yan, Sir!”
Sagutin nga kaya ni Ipe si Pokwang na isa sa mga close friends ni Kris Aquino?
‘Yun na!
Nagpahayag ng saloobin ang aktres na si Aiko Melendez kaugnay sa mga naging komento tungkol kay Joshua Aquino sa isang podcast na wala itong kuwenta at mas okay pa raw si Bimby bilang anak ni Kris Aquino.
Binigyang-diin ni Aiko ang kahalagahan ng paggalang at pag-unawa sa mga taong may special needs.
Pahayag niya, “That is so foul. There is absolutely nothing funny about making someone with special needs the punchline of a joke. Mocking a person’s condition, abilities, or circumstances, especially publicly, is not humor. It is cruel and irresponsible.
“As a mother, this hits differently. Every child deserves to be spoken about with dignity and respect, regardless of their abilities or challenges. We can disagree, criticize, and even joke around without humiliating someone who does not deserve to be targeted.”
Big tumpak ka r’yan, Aiko!
NAGLABAS ng opisyal na pahayag ang Nathan Studios, na pagmamay-ari ng multi-awarded actress na si Sylvia Sanchez, na nananawagan ng respeto at pang-unawa sa mga persons with disabilities (PWDs).
Ayon sa Nathan Studios, “Katuwang at kaakibat po ng bawat PWDs (persons with disabilities), at ng kanilang mga pamilya ang Nathan Studios.
“Naniniwala po kami na ang bawat tao ay may mga pangarap, kakayahan, damdamin, at karapatang mamuhay nang maligaya, malaya, at may dignidad.
“Isang taos-pusong paalala lang po: walang puwang ang panghuhusga at pangungutya sa isang mundong dapat sana ay puno ng pagmamahal at pang-unawa.
“Dahil ang bawat isa ay mahalaga at may kakayahan. At bawat isa sa atin ay karapat-dapat sa respeto at pantay na oportunidad.”
Well, todo-support talaga si Ibyang sa kanyang mga alaga na sina Krystel Go at Earl Amaba, kasama ang iba pang may Down syndrome na kabilang sa Nathan Studios.





Comments