Thirdy, sinuspinde ng San-En sa B. League
- BULGAR
- Nov 19, 2021
- 2 min read
ni VA / MC - @Sports | Novem,ber 19, 2021

Pinatawan ng dalawang larong suspensiyon at multang 100,000 yen si Thirdy Ravena matapos niyang masira ang sponsor signboard ng Toyama Grouses matapos ang kanilang laro sa Japan B. League noong nakaraang Linggo.
Ito ang inihayag ng koponan ni Ravena na San-En Neo-Phoenix noong Miyerkules kung saan pinagdiskitahan umano ni Ravena ang signboard ng kanilang sponsor noong Nobyembre 14 matapos ang laban kontra Toyama Grouses.
Natalo ang NeoPhoenix sa kamay ng Toyama ,89-90,matapos magmintis ni Ravena ang dapat sana'y game-tying free throw gayundin ang ginawa nyang putback attempt.
Nawalan ng saysay ang naitalang best game ni Ravena sa ongoing 2021-22 B.League season sa naitala 26 puntos, 9 rebounds, 5 assists, at 3 steals. "There's an act of beating and damaging the sponsor signboard of the court end after the game was over," ayon sa pamunuan ng San-En. Luhaan si Ravena pagkatapos ng laro at inalo pa ng kanyang teammates at coaches gayundin nina Toyama imports Joshua Smith at Dwight Ramos. "We deeply apologize for the inconvenience caused to Toyama Grouses, Toyama Grouses partner companies, and all concerned," ayon pa sa San-En. "We also apologize for making the visitors feel uncomfortable." Dahil sa suspensiyon hindi makakalaro si Ravena sa laban ng San-En kontra Seahorses Mikawa sa Disyembre 4 at 5. Sa kanya namang statement, humingi ng paumanhin si Ravena sa kanyang nagawa. "To the Neophoenix Boosters, sponsors, management, my teammates and coaches, especially the Toyama Grouses organization, sponsors, everyone involved, I deeply apologize that something like this happened," ani Ravena. "With the series of losses and personal bad games, I let my emotions get the best of me," pag-amin nito."The chance of actually winning a game, but losing it because of me was just too much at that point. "Again, I apologize to everyone."
Ang talo sa Toyama ang ika-6 na sunod ng San-En ngayong season. Kasalukuyan silang may rekord na 3-11 sa West Division ng B.League.





Comments