- BULGAR
- 3 days ago
ni John Carlo Launico (OJT) @Sports | October 14, 2025

Photo: Ang Pickle Yard team Philippines na binuo para sumabak sa international competitions ng Pickleball. (pickleballphils)
Inilabas ng The Pickle Yard ang kauna-unahang koponan ng Pilipinas na sasabak sa world stage ng larong pickleball.
Ginanap ang opisyal na inaugural contract signing ng Team Philippines noong Setyembre 19, 2025 sa main branch ng The Pickle Yard sa Paranaque, kung saan ipinakilala ang mga manlalaro ng bansang Pilipinas para sa naturang sports.
Ang naganap na inaugural signing ay isang malaking tagumpay para sa sports na pickleball sa bansa. Ito ay isang paraan upang marami pang mga Pilipino ang maka-alam at makakilala sa nasabing sport.
Ayon kay The Pickle Yard Team Philippines President na si Philip Pagon ang layunin ng koponan ay mag-ensayo at magpalakas upang maipagmalaki at itaas ang bandila ng bansang Pilipinas sa world stage. Dagdag pa nito, “This isn't just a team it's a movement.”
Ang koponan ng Pilipinas ay binubuo ng mga matatapang, pursigido, disiplinado, puno ng dedikasyon, at hindi nagpapatibag na mga atletang Pilipino na magbibigay ng karangalan sa bansa.
Dagdag pa nito, ang koponan ay handang sumabak at sumulat ng bagong kasaysayan para sa bansa sa larangan ng pickleball, kaya humihiling ito na suportahan ang koponan sa bawat palo at sa pagtaas ng bandila ng Pilipinas sa loob ng court.