top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Ibang-iba raw kay Karen Davila… GARY V., IPINAKA-CANCEL DAHIL SA INTERBYU KAY PBBM

Writer: BULGAR
BULGAR
5 hours ago
2 min read

ni Beth Gelena @Bulgary | October 9, 2026



TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano

Photo: IG _garyvalenciano



Ibang ingay ang nilikha ng panayam ni Gary Valenciano kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. (PBBM), kung saan viral ngayon ito dahil sa bashing.


May mga kumuwestiyon kung bakit binigyan ni Gary ng platform ang Pangulo, lalo na’t para sa ilang kritiko, naging magaan umano ang takbo ng usapan at hindi natalakay ang mga mabibigat na isyung may kinalaman sa pamahalaan.


May isang netizen pang nagsabing maaari umanong magbigay ito ng pagkakataon sa Pangulo na maipakita ang sariling panig nang hindi nahaharap sa mas mahihirap na tanong.


May mga nagbanggit din na kung ikukumpara sa mga political interviews ng mga journalists tulad ni Karen Davila, ibang uri ng pagtatanong ang inaasahan sa isang podcast o personal vlog.


Pero hindi nagpahuli ang mga kampi sa icon singer. Sariling platform umano ni Gary ang kanyang podcast at karapatan niyang pumili kung sino ang kanyang iimbitahan. Hindi rin umano makatarungang i-cancel ang isang artist dahil lamang sa political guest na napili niya.


Ipinunto rin ng ilan ang ilang dekada nang kontribusyon ni Gary sa industriya ng musika sa Pilipinas at sinabing hindi dapat burahin ang kanyang buong career dahil sa isang panayam.


May ilan namang tumugon na hindi naman daw hinihingi ang pagkansela kay Gary, kundi ang pag-call out sa nakikita nilang hindi pagkakatugma sa ipinapakitang values nito at sa pagbibigay ng platform sa isang political figure.


Nauwi rin sa diskusyon ang tinatawag ng ilang netizens na ‘cancel culture’, partikular sa mga nakababatang henerasyon. May ilan na nagsabing tila mas mabilis daw ngayon na humantong agad sa ‘cancel’ kapag hindi umaayon sa isang celebrity ang kanilang pananaw.


May sumagot naman na hindi ito tungkol sa generation kundi tungkol sa karapatang punahin ang isang public figure kapag may nakikitang isyung dapat pag-usapan.





Kinilig nang ma-meet ang grupo…

ICE, PROUD FAN NG SB19



IBINAHAGI ni Ice Seguerra na kinilig siya matapos makilala ang grupo ng SB19 na binubuo nina Pablo, Josh, Stell, Ken, at Justin sa katatapos lang na Filipino Music Awards.

Kinilala ng mang-aawit ang kanyang sarili bilang isang A’TIN sa caption na kasama ng isang Facebook (FB) reel.


Aniya, “Okay, as an A’TIN aminado ako na kinilig akong na-meet ko ang SB19!”

Fan boy mode si Ice! 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page