Cordina gigil na 'patulugin' si Pacman sa undercard fight

by Gerard Arce @Sports News | October 8, 2026

Photo: Tila mayabang na naman ang datingan ng Briton na ito na si Joe Cordina dahil atat na siyang patulugin na rin daw sa ibabaw ng ring ang Pambansang Kamao.(boxingnews)
Magiging tulad daw si Manny Pacquiao na dadapa sa ring at mawawalan ng malay tulad ng ginawa sa kanya noon ni Juan Manuel Marquez kapag nagharap na sila sa Tyson Fury-Anthony Joshua undercard ng Netflix na gaganapin sa Disyembre sa Wales, United Kingdom.
Iyan ang banta ni Joe Cordina ng Great Britain sa Pambansang Kamao matapos na unang magdesisyon si Matchroom Promotions head Eddie Hearn na itapat ang International Boxing Hall of Famer na si Pacman kontra sa dating world lightweight champion na Briton sa naturang malaking boxing event.
Kasunod ito ng ugong-ugong na salpukan nina Pacquiao at dating 4-division titlist Shakur Stevenson sa event na pinasinungalingan mismo ni Zuffa Boxing Promotions co-founder Dana White na walang pagtutuos na magaganap sa pagitan ng dalawa.
“It’s my understanding there’s some kind of agreement between Manny Pacquiao and Sela,” wika ni Hearn sa kasunduang naganap kina Pacquiao at Saudi Arabian entertainment at samahan ng sports event pagdating sa pagpo-promote ng professional boxing.
“There is if he fights Joe Cordina,” saad ni Hearn kung maaaring labanan nito si Pacquiao, o ibang boksingero sa Matchroom. “We’ve put forward to Sela, Joe Cordina against Abdullah Mason,”aniya. “I also said to Sela last night, if you need an opponent for Manny Pacquiao, we’ve got Jack Catterall, Conor Walker, Lewis Crocker and Joe Cordina.”





Comments