top of page
WINNER - SEN. ROBIN, NAKIPAGKAMAY NA KAY SEN. KIKO_FB Circulated.jpeg
Search

by MC / Elyssa Nichole @Sports News | October 25, 2026



Ika-2 ginto sa Asian Para Games, sinisid ni Alergabes

Photo: Ang mga Para athletes na nakahanda na para sa closing ceremony ng 5th Asian Para Games sa Nagoya Japan habang nasa inset si Ma. Ravinia Carpena na naka-bronze sa shotput F20 sa huling araw ng kampanya sa Asiad. (PSC-PPCmedia)



Job well done! Pinasalamatan nina Patrick Gregorio, chairman ng Philippine Sports Commission at Mike Barredo, president ng Philippine Paralympic Committee, ang mga atletang Pilipino matapos ang matinding hamon na nalagay sa overall 17th place ng Pilipinas na may 2 ginto, 2 pilak, at 3 tanso sa 5th Asian Para Games na nagtapos sa Mizuho Park Athletic Stadium.


Matapos ang mahigit isang linggong aksyon, naghatid ng 2 ginto sina tanker Ernie Gawilan at Arjay Alegarbes, 2 pilak mula kay Gawilan at ng pares ng table tennis mixed doubles na sina Wilfred Redulla at Lhey Manginsay, at 3 tanso mula sa swimmer na si Raemond Adefuin, runner na si King James Reyes at shot putter na si Ma. Ravinia Carpena.


Sa Hangzhou 2023, nakakuha ng 10 ginto, 4 na pilak at 5 tanso, kung saan ang chess ay may 8 ginto, 3 pilak at 2 tanso, subalit tinanggal ito sa disiplina sa Nagoya. “It was a very successful performance, congratulations,” sabi ni Gregorio. 


Inaabangan na ngayon ng Philippine squad ang susunod na edisyon sa 2031 sa Doha, Qatar, kung saan umaasa silang maipagmamalaki muli ang bansa. "Ang mahalaga ay suportahan natin ang mga Philippine para athlete," sabi ni Gregorio.


Nakipagkita rin sina Gregorio at Barredo sa pangulo ng Asian Paralympic Committee na si Majid Rashed upang talakayin ang mga planong pagtatayo ng unang training center ng Pilipinas na eksklusibo para sa para athletes.



 
 

ni MC / Maria Ysabella L. Matito (OJT) @Sports | Feb. 15, 2025



  • ITATALA sa unang kasaysayan ng Pilipinas ang gold medal-winning team nina playing president Benjo Delarmente, Alan Frei, Enrico Pfister, Christian Haller at Mark Pfister sa Curling sa gabay nina Pilipinas secretary-general Jarryd Bello, Jessica Pfister at coach Miguel Gutierrez sa Ninth Asian Winter Games sa Harbin, China.  (pocpix)

Photo: Itatala sa unang kasaysayan ng Pilipinas ang gold medal-winning team nina playing president Benjo Delarmente, Alan Frei, Enrico Pfister, Christian Haller at Mark Pfister sa Curling sa gabay nina Pilipinas secretary-general Jarryd Bello, Jessica Pfister at coach Miguel Gutierrez sa Ninth Asian Winter Games sa Harbin, China. (pocpix)


Kauna-unahan sa Pilipinas na makapag-uwi ng medalyang ginto mula sa Asian Winter Games nang ang pambato na PHL men's curling team ay nagkampeon kahapon, Valentine's Day.


Tinalo ng PHL team ang South Korea sa 5-3 puntos sa finals ng Harbin 2025 Asian Winter Games sa China. Binubuo ng magkapatid na Marc Pfister, Enrico Pfister, Alan Frei, at Christian Haller ang Curling Pilipinas na kasalukuyang World’s Rank 51 sa Men’s Curling.


“Gold medal for Team Philippines, and we expected ourselves to win. It is a great game, and we never doubt ourselves,” ayon sa 35-anyos na Filipino-Swiss Pfister na 26 na taon nang player ng curling.


“It’s not just only a medal, bronze or silver, but a gold.” Ang Curling Pilipinas ay dating kilala sa tawag na Curling Winter Sports Association of the Philippines, binubuo ang organisasyon na ito ng mga Pinoy na nakatira sa mga bansang United States, Canada at Switzerland.


Nangunguna ang Pilipinas sa puntos na 3-1 sa pang-apat na yugto ng laro ngunit naka-2 puntos ang South Korea dahilan para mag-tie ang dalawang koponan.


Umabante ang Curling Pilipinas matapos makuha ang 7-6 na pagkapanalo laban sa bansang Tsina sa semifinals ng laban. Kasunod nito ang pagkanalo ng grupo laban sa Japan sa 10-4 puntos sa semis qualifier.


Pangalawa ang Curling Pilipinas sa Group A na natapos sa round robin kung saan sila ay nakapuntos ng 3 panalo at isang talo. Matapos ang isang talo sa South Korea, nagsunod-sunod na ang pagkapanalo ng grupo laban sa Kazakhstan (4-1), Kyrgyzstan (12-2) at Chinese Taipei (11-3) dahilan para masungkit nila ang gold medal.


Nagwagi ng silver medal ang South Korea at bronze ang China. “This is too good to be true,” papuri ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino.


“Shocking, that’s the least I can say. Now, the path is clearer toward our first medal in the Winter Olympics.” Samantala, 4th place sina Isabella Gamez at naturalized Filipino-Russian Aleksandr Korovin sa mixed pair free skating competition (figure skating) sa HIC Multifunctional Hall.

 
 

ni MC @Sports News | Feb. 1, 2025



  • One Silay - PNVF

Photo: Umatake ng matinding spike si Carlo Laforteza ng Lingayen laban sa defenders na sina Vinmark Canoy at Anthony Munez ng ONE Silay sa laban nilang ito sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-21 Championship National Men’s Division sa Ninoy Aquino Stadium. (pnvfpix)



Pormal nang pumasok ang One Silay sa semifinals nang talunin ang Lingayen sa isang makapigil-hiningang five-setter win, 21-25, 20-25, 25-17, 25-13, 15-12 kahapon sa Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Under-21 Championship National Men’s Division sa Ninoy Aquino Stadium.


Makaraan ang mga pagkatalo sa opening at second set, sinikap ng volleyball players mula sa Negros Occidental na doblehin ang gawing pag-atake at higpitan pa ang kanilang depensa sa huling tatlong sets para umiskor ng kumpletong pagbawi sa Group A.


Tinapos ng One Silay ang preliminary round sa bisa ng 2-1 win-loss record sa torneo na suportado ng Akari, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, Cignal, OneSports, OneSports+ at Pilipinas Live. Ang Lingayen sa kabilang banda na tumalo sa Volleyball Never Stop (VNS), 25-21, 20-25, 25-23, 25-23 ay tinapos ang preliminary round sa 1-2 record.


Ang tanging pagkatalo ng One Silay ay mula sa mga kamay ng top team ng Mindanao na Zamboanga City, 22-25, 21-25, 21-25 noong Huwebes. Ang Zamboanga City na kasalukuyang undefeated sa dalawang laro ay tiyak na rin sa kanilang silya sa semifinals.


Kuwalipikado na rin ang University of the East (UE), sa semifinal spot at wala ring talo sa Group B hawak ang 2-0 slate sa torneo na inorganisa ni PNVF President Ramon “Tats” Suzara, na siya ring Asian Volleyball Confederation (AVC) president at FIVB executive vice president.


Ang classification phase (No. 5 to  ay nakatakdang idaos ang laro ngayong Sabado simula ng 9 a.m., at 11:30 a.m. bago ang semifinal matches ng 2 p.m. at 4:30 p.m.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page