top of page
Search
  • BULGAR

Sotto, Disyembre lalaro sa NBL; Animam, sasabak sa 2022 Gilas

ni VA / MC - @Sports | October 14, 2021



Magsisimula ang kampanya ni Kai Sotto para sa koponang Adelaide 36ers sa National Basketball League-Australia sa Disyembre 3.


Unang makakasagupa ng 36ers sa isang road game ang bagong koponang Tasmania JackJumpers sa mismong homecourt sa MyState Bank Arena ng 4 p.m. Susundan ito ng una nilang home game sa Disyembre 6 kontra Brisbane. Kahit naurong ang petsa ng opening, bawat koponang kalahok ay may nakatakda pa ring tig-28 laro.


Ang apat na mangungunang teams pagkaraan ng eliminations ay susulong sa best-of-three semis kung saan ang top seed ay makakasagupa ang fourth-ranked team habang ang second at third placers naman ang magtutuos sa isa pang pairings. Ang magwawaging dalawang koponan ay uusad sa best-of-five finals.


Samantala, nakatakdang maglaro sa Gilas Filipinas sina Fil-Am Mai-Loni Henson, dating pambato ng Washington University at sentrong si Jack Animam, sumasabak ngayon sa Serbia, sa mga torneo sa 2022, ayon kay national women’s team coach Pat Aquino. “They will join us this February,” wika ni Aquino.


Magiging magandang dagdag ang 6-foot-1 na sina Henson Philippine team na dadalhin ang kanyang husay sa laro kung saan kumakamada ito ng average na 6.7 points at 4.2 rebounds sa kanyang huling season sa Huskies at sa ALA Le Havre Basket sa France at si Animam ay inaasahang magpapakita ng mas-imprub na paglalaro dahil sa pagsabak nito sa pro-league sa Serbia.


Kaya lang, maglalaro si Henson bilang naturalized player ng Gilas Filipinas na target maidepensa ang kanilang titulo sa Southeast Asian Games sa Vietnam at sasabak sa 2022 FIBA Women’s World Cup Qualifying Tournaments maging sa 2022 Asian Games sa Hangzhou, China.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page