Eala seeded 13 sa WTA Wuhan Open

by MC @Sports News | October 10, 2026

Photo: Nagsimula nang mag-ensayo pagdating ng Wuhan, China si Alex Eala para sa WTA 1000 na sisimulan niya ang laro sa Lunes. (wuhanopenpix)
Naghahanda na si Pinay Tennis ace Alexandra Eala para sa kanyang unang laban sa Wuhan Open sa China matapos ang kanyang Asian Games campaign sa Japan.
Nakuha ni Eala ang tansong medalya sa Asian Games sa Japan sa halip na maglaro sa China Open. Ngunit babalik siya sa aksyon ng WTA sa Wuhan Open na gaganapin mula sa Lunes, Oktubre 12-18.
Ito ang unang event sa WTA ng 21-anyos na lefty simula nitong huling bahagi ng Setyembre nang matalo si Eala kay Tatiana Prozorova sa kanyang unang sabak sa Singapore Open. Bilang ikatlong seed sa torneo, nakatanggap siya ng first-round bye, ngunit titiyakin niyang hindi na mauulit ang sitwasyong iyon sa Wuhan. Naka-seed si Alexandra Eala ng ika-13 pwesto sa Wuhan Open.
Kumpirmado na ang mga seeding sa torneo ng WTA 1000, kung saan ang nangungunang walo ay nakatanggap ng byes at diretso na sa ikalawang round. Si Eala ang inaasahang 13th seed at magsisimula ang torneo sa unang round.
Mahaharap sa malalaking balakid si Eala sa kamay nina Aryna Sabalenka, Jessica Pegula, Mirra Andreeva, Linda Noskova, Elina Svitolina, Karolina Muchova, Iga Swiatek at Marta Kostyuk sa Wuhan. Ang draw ay gaganapin ngayong Sabado, Oktubre 10, kung saan ang event ay mananatiling isa sa tatlong 1000 na torneo na may 56 na manlalaro, kasama ang Doha at Dubai.





Comments