top of page
Sarah Lahbati - IG.jpg

Angkop sa Gilas ang overseas players para ginto sa Asiad

Writer: BULGAR
BULGAR
1 hour ago
1 min read

by MC @Sports News | October 11, 2026



Dagdag insentibo pa ng Asiad medalists hihilingin

Photo: Kinumpirma ng mainstay tactician na si Coach Tim Cone na si Brownlee ay kasalukuyang may problema sa puso. “It’s not injury concerns. He’s had health concerns regarding blood pressure and heart issues. That’s why he is not playing for Ginebra at this time, and why he hasn’t played.” (regis-traininguk)



Makukuha sana ng Gilas Pilipinas ang gintong medalya sa Asian Games kung ang pinakamahuhusay na manlalaro na nakabase sa ibang bansa ay mahuhugot, subalit hindi naging available ang mga ito.


Sa pagdinig sa Senado ng sports, binanggit ni coach Tim Cone sina Dwight Ramos, Carl Tamayo, Kevin Quiambao, AJ Edu at Kai Sotto na kabilang sa mga pangunahing manlalaro na gusto ng Pilipinas para sa Aichi-Nagoya ngunit hindi nakuha dahil ang Asian Games ay wala sa kalendaryo ng FIBA.


Sapagkat hindi nakapaglaro si Justin Brownlee dahil sa problema sa kalusugan, naglaro na lang ang Gilas ng all-PBA lineup at natapos sa ika-9 na pwesto at hindi nadepensahan ang gold-medal na nakuha noong Hangzhou 2023.


Dapat aniya ay magkaroon ng matibay na kasunduan o kontrata na magpapahintulot sa mga Filipino players na nakabase sa ibang bansa na tumugon sa pambansang panawagan bagamat ang isang torneo ay hindi sakop ng FIBA.  Kung nais ng Pilipinas ng isa pang titulo sa Asian Games, ang pagsasama-sama ng pinakamalakas nitong roster ay dapat pagtibayin ng kasunduan.  


Kinumpirma na rin ni Cone sa Senate Committee on Sports na pinamumunuan ni Sen. Bong Go na si Brownlee ay may problema sa puso at may high blood pressure.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page