top of page
BULGARY - VINCENT CO, TODO-IWAS SA MEDIA-FB Caesar Vallejos.jpeg

Rockets pinalagan ang Lakers, 'di rin sumuko ang Pistons

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 1
  • 1 min read

ni Anthony E. Servinio @Sports | May 1, 2026



Hawak maige ni Houston Rockets forward Tari Eason (17) ang bola laban kay Los Angeles guard Marcus Smart (36) sa laban nilang ito sa NBA playoffs kahapon. (Gary A. Vasquez Images/Reuters)

Photo: Hawak maige ni Houston Rockets forward Tari Eason (17) ang bola laban kay Los Angeles guard Marcus Smart (36) sa laban nilang ito sa NBA playoffs kahapon. (Gary A. Vasquez Images/Reuters)



Hindi pa handang sumuko ang bisitang Houston Rockets at wagi sila ng ikalawang sunod sa Los Angeles Lakers, 99-93 sa 2026 NBA Playoffs kahapon sa Crypto.com Arena. Napigil din ng Detroit Pistons ang pag-angat ng Orlando Magic, 116-109.


Naubusan agad ng enerhiya ang Lakers at kontrolado ng Rockets ang laban mula sa pangalawang quarter. Naghatid ng maagang knockout sa three-points ni Jabari Smith Jr., 82-69, at 10 minuto ang nalalabi.


Nagtapos si Smith na may 22 habang 18 si Tari Eason sa gitna ng patuloy na pagliban ni Kevin Durant. Gumawa ng 25 si LeBron James at 22 para sa nagbabalik na si Austin Reaves subalit isa na lang ang bentahe ng Lakers sa seryeng best-of-seven, 3-2.


Matindi ang naging palitan ng puntos nina Cade Cunningham ng Pistons at Paolo Banchero ng Magic na parehong bumuhos ng 45. Naging mas matimbang ang ginawa ni Cunningham at naiwasan ng numero unong Pistons na magwakas ang serye.


Sa isa pang laro, bumanat ng husto si Dennis Schroder sa huling quarter para itulak ang Cleveland Cavaliers kontra Toronto Raptors, 125-120. Ipinasok ni Schroder ang 11 ng kanyang 19 sa huling quarter na tinuldukan ng malapitang buslo para maging 124-113 at 3:43 sa orasan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page