top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Phl athletes, babanat na sa Asiad Para Games Nagoya

Writer: BULGAR
BULGAR
15 hours ago
1 min read

by MC @Sports News | October 19, 2026



Dagdag insentibo pa ng Asiad medalists hihilingin

Photo: Sina Allain Ganapin ng taekwondo at Lhey Manginsay sa kanilang selfie at magiging flag bearers suot ang Filipiniana bago pumarada kasama ng Para Pinoy athletes sa opening ceremony ng 5th Aichi-Nagoya Asian Para Games sa Japan kahapon. (pscpix)



Marubdob ang hangarin ng tagumpay makaraan ang mga  paghahanda ng Team Philippines para malampasan ang paghamon sa mas pinalakas na National Team sa ika-5 Asian Para Games na opisyal nang binuksan kagabi sa athletic stadium ng Paloma Mizuho Sports Park sa Nagoya, Japan.


Humigit-kumulang 5,000 mga dayuhang panauhin, atleta, coaches, opisyal ng palakasan, at media ang dumalo sa pagdiriwang sa opening parade ng Asian Para Games na gaganapin sa loob ng 8 araw. Lalahukan ng 45 bansa, kabilang ang 69 na miyembro ng koponan ng Pilipinas, na sasabak sa 18 disiplina.


Suot ang Filipiniana, pumarada ang Para Pinoy athletes sa pangunguna ng flag-bearers na sina Lhey Manginsay ng table tennis at Allain Ganapin ng taekwondo, kasama ang chef-de-mission na si Francis Diaz at deputy CDM na si Judd Anastacio. 


Samantala sa pagsalang sa women's singles class 9 table tennis sa Sky Hall Toyota, nagwagi si Maginsay sa 11-9, 12-10, 11-1 laban kay Nadima Nurbekova ng Tajikistan.  Sa swimming hangad ni Ernie Gawilan ang isa uling  ginto. “Sana magawa natin ulit.


Kapalaran na ang magsasabi ,” ayon sa 35-anyos na si Gawilan, na umaasang maulit, kung hindi man malampasan, ang isang ginto at isang tansong tagumpay sa huling edisyon sa Hangzhou, China 2023. Isa pang tanker na dapat abangan ay ang wonder girl na si Angel Otom, isang triple-gold winner sa ASEAN Para Games noong 2025 sa Thailand.




Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page