top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Never din daw umasa sa datung ni Gretchen… CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA

Writer: BULGAR
BULGAR
36 minutes ago
3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | October 20, 2026



SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto

Photo: FB Claudine Barretto



Unbothered si ‘Nay Cristy Fermin sa post ng aktres na si Claudine Barretto na idedemanda siya kasama ang co-host niyang si Romel Chika sa vlog nilang Showbiz Now Na (SNN).


Post ng aktres (as is), “May idedemanda ako at for sure, MAKUKULONG. Abuso kasi, ‘di kita tatantanan hanggang sa huling hininga mo, hiningi mo ‘to. Cyber bullying and so many many more.”


Sa nasabing vlog ay isa sa mga topics si Claudine dahil nag-post ito na nasa hospital siya at hindi naman daw binanggit kung ano ang sakit niya.


Kani-kanyang hula na ang mga netizens na binasa lang din ni ‘Nay Cristy. Pinayuhan pa niya ang aktres na huwag masyadong mag-post para hindi kalkalin ang kanyang sakit at pag-usapan. 


May netizen pa ngang nagsabing bipolar daw si Claudine.


Tungkol naman sa gastusin, nabanggit na tinutulungan ang aktres ng kanyang ate na si Gretchen Barretto dahil close naman ito sa bunsong kapatid.


Hindi ito nagustuhan ng bunsong Barretto dahil hindi raw siya bipolar at hindi rin daw siya umaasa sa Ate Gretchen niya.


Paglilinaw ni Claudine (as is), “I was diagnosed with PTSD (Post-Traumatic Stress Disorder), battered wife syndrome & anxiety attacks. ‘Di po ako BIPOLAR at may pera po ako, ni piso ay walang binayaran ang Ate Gretchen ko (sa pagkakaospital ko). Never akong umasa sa ate ko. S’ya mismo nagsabi na never s’ya nagbigay ng tulong o pera sa ‘kin. Get your facts right!!!”

Kasunod na post ay “Cristy Fermin, LAWYER UP!”


Nag-post na rin si Claudine ng Final Demand Letter to Cease and Desist mula sa Cañero, Manalo, Mateo & Partners Law Office na naka-address kina ‘Nay Cristy at Romel Chika.


Hiningan namin ng reaksiyon si ‘Nay Cristy tungkol dito.

“Anak, kumusta naman si Claudine? Wow, big words! Ipapakulong daw n’ya ako? Siguruhin n’yang may merito ang kasong isasampa n’ya sa piskalya pa lang! Ano, mauuna pa akong makulong sa mga nangurakot ng male-maletang salapi sa gobyerno? Look who’s talking!

“Bashers ang nagsabing, ‘Kawawa naman si Claudine, wala nang career, pangit pa ang braso!’ Ano ba, nakakahiyang kaso ‘to!” mensahe sa amin ni ‘Nay Cristy.


At siyempre, hiningan din namin ng reaksiyon si Romel Chika.

Sey niya, “Demand letter pa lang naman ‘yun, Reggee, eh, ‘di pa naman kaso sa awa ng Diyos.”





Binago raw ng ‘Pinas ang buhay niya…

SANDARA, KOREANA PERO PROUD PINAY



KAPAG napag-uusapan ang bansang Pilipinas, may kakaibang saya ang Korean singer-actress na si Sandara Park dahil very vocal siyang nagsasabing second home niya ito.


Sa latest post niya sa X (dating Twitter) account kahapon, Lunes (Oktubre 19), sinabi niya, “Yeah, hey!!! Babalik ako sa Manila (emojis na smiley, flirty face at bandila ng Pilipinas).”


Kasunod ng post niya ang poster ng show na sponsored ng kilalang brand na gaganapin sa SM Mall of Asia (MOA) Music Hall kasama ang YGIG girl group at ang singer-actor na si James Reid.


Pero may nauna pang post si Sandara noong Oktubre 13 sa X account niya kung saan nagpa-picture siya sa Jollibee branch sa may Lucky Plaza, Orchard Road, Singapore.


Ang caption ng dalaga, “Naglalakad ako kanina sa may Orchard and nakita ko ang Jollibee. Nagulat ako!!! Sabi ko, ‘Ito na ‘yung dinner ko! So pumasok ako para mag-order, at nakilala ako ng mga kababayan ko kahit naka-mask ako! At nag-group pic kami. Hehehe!”


Ang daming natuwa sa post na ito ni Sandy dahil sa binanggit niyang “Nakilala ako ng mga kababayan ko” na ibig sabihin ay kinokonsidera niyang Pinay siya.


Sabi ng netizen na si @eattravelwork, “Kasi minahal mo nang todo ang Pilipinas, kaya sobra-sobra ang pagmamahal ng mga Pilipino sa ‘yo, Sandara.”


Sinagot ito ng tinaguriang Krung-Krung ng Philippine showbiz, “Kasi minahal ako nang todo ng Pilipinas nu’ng bata pa ‘ko nu’ng wala pa akong alam sa showbiz, wala pa akong friends at wala pa akong alam sa mundo. The Philippines raised me and changed my life. ‘Di kaya Pilipina talaga ako sa past life ko?!”


Ang daming views ng pahayag na ito ni Sandara, na umabot sa 24,000 at mahigit 300 retweets kasama ang 1,400 comments.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page