NU Bulldogs nasa top spot na, lakas ni Alfanta gumana

by Gerard Arce @Sports News | October 19, 2026

Photo: Dumale ng layup shot si Reinhard Jumamoy ng NU Bulldogs habang nakadepensa si Luke Felipe ng FEU Tamaraws sa yugtong ito ng laban sa UAAP Season 89 men's basketball tournament na idinaos sa Ateneo Blue Eagle Gym sa Quezon City kahapon. (Joaqui Flores/UAAPMedia)
Nilimitahan ng NU Bulldogs ang opensiba ng FEU sa second half kabilang ang 7 puntos lamang sa 4th period upang makuha ang 69-65 panalo tungo sa pagkopo ng top spot kasunod ng mahusay na laro ni Mac Alfanta sa pagtatapos ng first round action ng UAAP Season 89 men's basketball tournament sa Ateneo Blue Eagle Gym sa Quezon City.
Trinabaho ng husto ng Bulldogs na baklasin ang kalamangan ng Tamaraws sa 2nd half na halos kontrolado ang takbo ng laro sa first half kasunod ng 47-39 sa halftime. Nagawang pangunahan ni Alfanta ang opensa ng Bulldogs sa itinalang 14 puntos kasama ang 2 rebounds at assist para dalhin sa 5-2 rekord ang NU.
“Yung first half sobrang panget ng laro namin. Ginising lang kami ni coach Jeff sa dugout na kailangan na trumabaho kami at thank God na nakuha namin dahil talagang trinabaho namin maging number one kami,” pahayag ng 20-anyos mula Digos City, Davao del Sur sa mahigit 29 minutong inilaro.
Hawak ng NU ang liderato, na katabla ang UP Fighting Maroons sa parehong marka, ngunit nagawang talunin ng NU ang Katipunan squad sa 72-64 sa first round.





Comments