top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

CSB Blazers pasok na sa playoffs ng SSL Unity Cup

Writer: BULGAR
BULGAR
15 hours ago
1 min read

by Gerard Arce @Sports News | October 19, 2026



Ubos lakas na humanda sa pag-spike si Janelle Bachar ng San Beda University Red Spikers na inabangan sa depensa ni Alexa Keisha ng Arellano University Lady Chiefs sa bahaging ito ng laban sa Shakey's Super League Unity Cup

Photo: Ubos lakas na humanda sa pag-spike si Janelle Bachar ng San Beda University Red Spikers na inabangan sa depensa ni Alexa Keisha ng Arellano University Lady Chiefs sa bahaging ito ng laban sa Shakey's Super League Unity Cup sa Rizal Memorial Coliseum kahapon. (Reymundo Nillama)




Kinumpleto ng College of Saint Benilde Lady Blazers ang playoffs cast ng Pool B matapos dispatsahin ang Mapua University sa bisa ng 25-21, 25-14, 25-20 upang makuha ang huling silya sa 2026 Shakey’s Super League (SSL) Unity Cup playoffs kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.


Naging mabisa ang opensiba ni setter Zen Basilio para sa Lady Blazers’ na kinakitaan ng balanseng scoring at trinangkuhan ang net defense ng koponan upang mailista ang back-to-back panalo tungo sa 2-1 win-loss kartada sa likod ng lider na UST. 


Uusad ang Lady Blazers, na isa sa dalawang koponan mula sa NCAA, kasama ang ibang UAAP powerhouse teams na kinabibilangan ng five-peat-seeking National University, Far Eastern University at Adamson University sa Pool E.


Tumapos si Camila Bartolome ng 12 puntos na sinundan ni Mary Grace Borromeo sa 7 marka, at Arianna Pua sa 6 puntos na naging matatag sa net defense sa 11 kill blocks, habang nalaglag ang Mapua sa 1-2 rekord na pinagbidahan nina Zyra Morales at Freighanne Garcia na may 9 at 7 puntos. 


Samantala, nakuha namang mapagwagian ng San Beda University Lady Red Spikers ang panalo laban sa Arellano University sa 23-25, 25-19, 25-19, 25-23 para tapusin ang kampanya sa panalo.






Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page