top of page
Search

ni Anthony E. Servinio @Sports | January 5, 2026



Stephen Curry of Golden State Warriors vs Urah Jazz

Photo: Golden State Warriors



Kumpleto muli ang Golden State Warriors at bumawi sila ng panalo sa bisitang Utah Jazz, 123-114 sa NBA kahapon sa Chase Center. Pinigil din ng Boston Celtics ang arangkada ng LA Clippers, 146-115.


Kinailangan ng GSW ang malakasang pangatlong quarter kung saan humabol sila galing 58-65 at gawing 100-96 sa likod ng 20 puntos ng nagbabalik na si Stephen Curry. Hindi na nakabangon ang Jazz at tuluyang lumaki ito sa 123-110 sa mga free throw ni Curry at dunk ni Trayce Jackson-Davis.


Nagtapos si Curry na may 31 buhat sa anim na tres habang tig-15 sina Jimmy Butler III at Quentin Post. Hindi naglaro sina Curry, Butler at Draymond Green noong isang araw at tinambakan sila ng bisitang World Champion Oklahoma City Thunder, 94-131.

Nagpalitan ng 3-points sina Derrick White at Kawhi Leonard sa simula, 3-3 at iyan na ang natatanging hirit ng Clippers na pumasok sa laban na pinakamainit sa NBA na may anim na sunod na tagumpay. Patuloy ang pukpok ng Boston at lumobo sa 144-111 bago ang huling 2 minuto.


Napantayan ni Jaylen Brown ang kanyang personal na markang 50 na una niyang naabot sa 116-111 panalo ng Celtics sa Orlando Magic noong Enero 2, 2022. 


May pagkakataong magtatag ng bagong marka si Brown subalit pinaupo na siya sa huling 3:44 matapos maipasok ang ika-50 at 133-109.


Triple double si Deni Avdija at wagi ang Portland Trail Blazers sa San Antonio Spurs, 115-110. Nagtapos ang tubong-Israel na 6'8" gwardiya na may 29, 11 rebound at 10 assist.


Bumida si Anthony Davis sa 110-104 tagumpay ng Dallas Mavericks sa Houston Rockets at wakasan ang apat na sunod na talo. Gumawa ng 26 at 12 rebound si Davis at mapawalang-bisa ang 34 ni Kevin Durant.


 
 

ni Anthony E. Servinio @Sports | December 24, 2025



Jokic - Denver Nuggets

Photo: Nikola Jokic / Denver Nuggets IG



Nagpamalas ng lalim ang World Champion Oklahoma City Thunder sa 119-103 panalo sa Memphis Grizzlies sa NBA kahapon sa Paycom Center. Tinambakan din ng Denver Nuggets ang Utah Jazz, 135-112, upang manatiling malapit sa OKC.


Tinamaan ng pilay o sakit ang maraming manlalaro sa parehong koponan subalit iba pa rin ang kalidad ni MVP Shai Gilgeous-Alexander at nagbagsak ng 31 puntos at 10 rebound habang 24 si Jalen Williams. Ito ang ika-100 sunod na laro ni SGA na may 20 o higit at umakyat ang Thunder sa 26-3.


Tatlong quarter lang kinailangan ang mga bituin at lamang ang Nuggets, 103-83, sa triple-double si Nikola Jokic na 14 at tig-13 rebound at assist. Nanguna sina Jamal Murray na may 27 at Peyton Watson na may 20 at lahat silang tatlo ay umupo na sa huling quarter tungo sa 21-7 at kapantay ang nagpapahingang San Antonio Spurs para pangalawa sa Western Conference.


Pinatibay ng numero uno ng Eastern Conference Detroit Pistons ang kanilang estado sa 110-102 tagumpay sa Portland Trail Blazers na kanilang ika-23 sa 29 laro. Wagi ang Golden State Warriors sa Orlando Magic, 120-97, sa likod ng 26 ni Stephen Curry.

Binura ng Boston Celtics ang 43-61 butas upang manaig sa Indiana Pacers, 103-95. Bumida sina Jaylen Brown na may 31 at Derrick White na may 19.


Patuloy ang pag-ahon ng New Orleans Pelicans mula sa pinakailalim ng West at limang sunod na ang kanilang nang talunin ang Dallas Mavericks, 119-113, sa likod ni Zion Williamson na nagtala ng 24 sa 25 minuto bilang reserba. Nasa ika-13 na ang Pelicans sa 8-22 habang 11-19 ang Mavs.

 
 

by Info @Sports News | November 19, 2025



Lebron James

Photo File: Lebron James



Sinabi ni Los Angeles Lakers star Lebron James na manonood na lamang siya ng laro ng United States (US) sa paparating na 2028 Summer Olympics na gaganapin mismo sa Los Angeles.


“You already know my answer, I will be watching it,” ayon kay Lebron.


Nagsabi rin si Golden State Warriors star Stephen Curry na may posibilidad na samahan na lamang niya si Lebron sa panonood dahil 40-anyos na umano siya sa mga panahon na iyon at hindi na siya nag-e-expect na makasama sa kanyang ikalawang Olympics appearance.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page