Pagiging handa at alerto, dapat pairalin sa oras ng sakuna
- BULGAR

- 5 hours ago
- 2 min read
ni Leonida Sison @Boses | July 11, 2026

Sa bawat paparating na bagyo o malakas na habagat, paulit-ulit na lamang ang eksena ng biglaang paglikas, stranded na mga motorista, at mga pamilyang nawawalan ng tirahan. Mas makabubuti kung ang paghahanda ay mauuna kaysa pagsisisi, lalo na ngayong inaasahang lalakas ang epekto ng habagat na pinalalakas ng Bagyong Inday.
Bilang paghahanda, naka-standby na ang mga food pack, evacuation centers, rescue equipment at emergency response teams sa buong National Capital Region (NCR). Layunin nitong matiyak na may agarang maibibigay na tulong sakaling magkaroon ng pagbaha at iba pang epekto ng masamang panahon.
Ayon sa Metro Manila Council, inatasan na ang lahat ng lokal na pamahalaan sa Metro Manila na maagang ipuwesto ang mga kinakailangang kagamitan, tiyaking maayos ang operasyon ng mga pumping station, at ihanda ang mga evacuation center, partikular sa mga komunidad na madalas bahain.
Kasabay nito, nanawagan din sa mga residenteng nakatira sa flood-prone areas na huwag nang maghintay na tumaas ang tubig bago lumikas. Ang maagap na paglikas ang pinakamabisang paraan upang maiwasan ang panganib at maprotektahan ang buhay ng bawat pamilya.
Mahalaga ang ganitong paghahanda dahil hindi lamang mga opisyal ng pamahalaan ang may pananagutan sa panahon ng kalamidad. May malaking papel din ang bawat mamamayan sa pakikinig sa mga babala, pagsunod sa evacuation protocols, at paghahanda ng sariling pamilya bago pa lumala ang sitwasyon. Ang maagap na pagkilos ay makatutulong upang mabawasan ang panganib at mapabilis ang pagtugon sa oras ng sakuna.
Ang paghahandang ginagawa ng mga lokal na pamahalaan ay isang mahalagang hakbang, ngunit magiging mas epektibo lamang ito kung sasabayan ng disiplina at kooperasyon ng publiko. Ang kaligtasan ng komunidad ay nakasalalay hindi lamang sa dami ng rescue equipment o evacuation centers, kundi sa kahandaan ng bawat isa na kumilos sa tamang oras. Sa harap ng mas malalakas na pag-ulan at mas madalas na pagbaha, ang pagiging alerto at maagap ang pinakamabisang sandata upang maprotektahan ang buhay at kabuhayan ng mamamayan.





This article highlights the importance of staying prepared and alert during disasters, with practical reminders that can help protect families and communities. After reading useful safety information like this I often play Slope Rider which is a fast-paced game where you guide a ball down a slope while avoiding obstacles.