Mga sen. at cong., hinay-hinay sa persona-non-grata vs. Jing Quan, baka rumesbak ang China

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 20, 2026

BAKA ANG HAMON NG CHINA EMBASSY SA MGA SENADOR AT KONGRESISTA NA IDEKLARANG PERSONA-NON-GRATA SI JING QUAN, AY MAY KAPALIT NA RESBAK NG CHINA GOV'T. — Hinamon ng China Embassy ang mga lawmakers (mga senador at kongresista) na ideklara raw na persona-non-grata sa Pilipinas si Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan.
Naku! ‘Eh dapat maging maingat ang mga mambabatas sa pagdedesisyon sa hamon na iyan ng China Embassy, kasi baka ang hamon na iyan ay may kapalit na resbak, boom!
XXX
RAPPLER MALAMANG KASUHAN DIN NI VP SARA, TULAD ANG GINAWANG PAGSASAMPA DITO NG PATUNG-PATONG NA KASO NOONG PANAHON NG DUTERTE ADMIN — Sa panahon ng noo'y President Rodrigo Roa Duterte (PRRD) ay nakatikim na ng patung-patong na kaso ang Rappler Online News Site, at malamang makatikim din uli ito ng kaso kay Vice President Sara Duterte.
Itinanggi kasi ni VP Sara na may mga pag-aari siyang mga Jollibee food chains sa Davao City at kasabay nito ay sinabihan niya ang Rappler na tigilan na ang pagpapakalat ng fake news na pag-uugnay sa kanya sa naturang mga food chains, pero sa halip na tumigil ay pinanindigan nito (Rappler) ang kanilang ibinalita dahil ibinase raw nila ito sa Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ng bise presidente na kung saan may nakasaad dito na stock holder siya ng GenCorp., kumpanyang nagmamay-ari ng mga Jollibee sa lungsod at sa naging analysis ni financial forensic expert Alex Cabrera na may 20% share interest siya dito, ang pangalawang pangulo na sa kwentada ay mula year 2022 hanggang year 2025, sa higit P1 bilyon kinita nito, ay higit P212 million dito ang napunta sa vice president.
Dahil pinanindigan ng Rappler ang kanilang ibinalita, ay malamang sampahan ito ni VP Sara ng kaso, abangan!
XXX
CONG. PULONG DAPAT MAGHANDA NA KASI BAKA KALAUNAN KASAMA NA SIYA SA KINAKASUHAN SA DAVAO CITY 'GHOST,' SUBSTANDARD AT INCOMPLETE FLOOD CONTROL PROJECTS SA DAVAO CITY — Matapos irekomenda ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Ombudsman na sampahan ng kaso ang may-ari at mga opisyal ng Genesis 88 Construction firm at mga kasabwat nito sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na may kaugnayan sa mga "ghost," substandard at incomplete flood control projects sa Davao City, ay agad sinibak ni Sec. Vince Dizon ang tatlong DPWH officials sa lungsod.
Naku! Dapat maghanda na rito si Davao City 1st Dist. Rep. Paolo Duterte, kasi sa takbo ng mga pangyayari, ay malamang kalaunan ay kasama na siya sa kinakasuhan dito ng Ombudsman, boom!
XXX
INAMIN NA RIN SA WAKAS NI SEC. JONVIC REMULLA NA NAGSISISI SIYA BAKIT HINDI PA NILA HINULI NOON SI SEN. DELA ROSA — Sa interview ni Karen Davila kay Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla ay inamin ng kalihim na nagsisisi siya kung bakit hindi pa nila hinuli si Sen. Ronald dela Rosa noong nasa loob pa ito ng Senado.
Patunay ito na walang "pagsisisi sa una" ang lahat ng "pagsisisi ay nasa huli." Period!





Comments