China imposibleng i-ban, guguho ang ekonomiya

ni Ka Ambo @Bistado | October 20, 2026

Hanggang ngayon walang malinaw na resulta sa imbestigasyon kaugnay ng tangkang pagpuslit ng 1.7 toneladang shabu mula sa Laos at Thailand papasok sa Maynila.
Talagang markado ng “mafia.”
-----$$$--
Pinag-iinitan ngayon ang China.
Alam kaya nila ang kanilang ginagawa?
Imposibleng i-ban ang transaksiyon sa China.
Guguho ang ating ekonomiya.
----$$$--
Taliwas sa paniniwala ng marami, magkaibigan ang China, US at Russia.
Mula sa pagbisita ni US President Donald Trump sa panahon ng Asean Summit sa Nobyembre 15, 16, 17. lilipad ang pangulo ng Kano sa China.
Mag uusap-usap sina Trump, Xi Jinping at Vladimir Putin.
-----$$$--
MALI at dispalinghado ang diskarteng galitin ang mga Pinoy kontra China.
Kakambal ng kasaysayan ng Pilipinas ang mga Tsino.
Next year, bababad sa media ang mga presidentiable na sina Sen. Bong Go at Defense Secretary Gibo Cojuangco Teodoro na parehong “dugong Tsino.”
Sa apelyido pa lang ay bistado na.
-----$$$---
KAHIT ang pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal Mercado ay may dugong Tsino.
Maging ang popular na TV-Radio personality na si Jessica Soho ay aminadong may dugong Tsino.
----$$$-
KAPAG pinalayas ang mga negosyanteng Tsino at ipagbawal ang produktong “Made-In-China” magiging ghost town ang Divisoria, Baclaran, supermarkets, malls , bangketa at public market.
Malulugi ang Shopee, Lazada at mawawala ang mga e-bike kapag nagalit ang Pinoy sa Tsino.
----$$$--
KAHINAAN ng kukote ang mga iresponsableng pahayag ng mga mambabatas na hindi nila alam ang kanilang pinagsasabi at ginagawa.
Ang anumang isyu tungkol sa China particular ukol sa West Philippine Sea ay dapat ipinauubaya sa Department of Foreign Affairs (DFA) at hindi rin sa Department of National Defense (DND).
May protocol; hinggil dito, dapat itong ipatupad upang maibsan ang kaguluhan, sanhi ng mga dispalinghadong mga opinion , pahayag at aksiyon.
-----$$$--
NAKAKAHIYA ang mga senador, hindi nila alam ang kanilang trabaho at responsibilidad.
Bukod sa inaakusahang mga mandarambong, kahinaan pa rin ng kukote ang pahayag kaugnay sa China.
.----$$$--
KUNG kabulastugan at kamangmangan ang ginagawa ng Chinese ambassador, huwag sanang ipakita ng mga senador na sila ay bopol din.
Hayaan natin magmukhang tanga ang ambassador ng China.
Hindi lang virus ang nakakahawa, bagkus ay maging ang pagiging “mangmang.”
-----$$$--
GUMAGRABE na ang sitwasyon sa Middle East.
Apektado diyan ang ekonomiya.
Umabot na sa P63 kada dolyar ang palitan.
-----$$$--
SA pagpasok ng 2027, mababawasan na ang poder ni PBBM.
Ang mga hunyanggo ay magpapalit na ng kulay.
Kaawa-awa na naman ang pamilya Marcos, mabibiktima na naman ng mga traydor at mga halang ang kaluluwa!
-----$$$--
KAILANGAN bumuwelo na ang pamilya Marcos sa tinatawag na “graceful exit” sa pagpasok ng 2027.
Hindi na kasi puwedeng kumandidato si PBBM.
-----$$$--
HINDI rin puwedeng ikansela ang 2028 election, malaking gulo ‘yan.
Pero, ere pa rin ang ating “political tips.”
May malalaking pagbabago sa pulitika sa Pilipinas, pagdating ni Trump sa Maynila next month.
Paniwalaan-dili ang mga magaganap!
Kung may reaksyon, sumbong o katanungan, sumulat sa ASINTADO ni Judith Sto. Domingo sa BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa asintado.bulgar@gmail.com.





Comments