top of page
SHEET - ARCHIE, NAKITAAN NI GEE NG 2 SACHETS NG DRUGS SA KOTSE-IG _archiealemania & _ogied

May pananagutan ba kapag sumakit ang tiyan ng binigyan mo ng pagkain?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 4 hours ago
  • 2 min read

ni PAO Chief Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 2, 2026



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Upang ipagdiwang ang aking kaarawan, nagpasya ang aking pamilya na mamahagi ng pagkain sa mga nangangailangan at mahihirap. Gayunpaman, agad kaming pinigilan ng tiyahin ko. Sinabi niyang tiyak na mananagot kami kung sakaling may magreklamo sa mga bibigyan namin ng pagkain kapag sumakit ang kanilang tiyan. Tama ba ang sinabi ng tiyahin ko? Maraming salamat po. – Luz Cauilan





Dear Luz Cauilan,


Layunin ng Estado na mabawasan ang kahirapan at pag-aaksaya ng pagkain sa pamamagitan ng paghikayat sa donasyon ng ligtas na pagkain para sa kawanggawa. Ayon sa Seksyon 3 at Seksyon 5 ng Republic Act (R.A.) No. 9803, na kilala bilang "Food Donation Act of 2009":


Section 3. Definition of Terms. - For purposes of this Act, the following terms shall be defined as follows:


a. “Apparently Wholesome Food" refers to food that meets all quality and labeling standards imposed by a pertinent laws and administrative regulations even though the food may not be readily marketable due to appearance, age, freshness, grade, size, surplus, or other conditions. It does not include milk products as defined and covered under Executive Order No. 51, the "National Code of Marketing of Breastmilk Substitutes, Breastmilk Supplements and Other Related Products".  


“Section 5. Liability for Damages from Donated Food. - A person, whether natural or juridical, shall not be subject to civil or criminal liability arising from the nature, age, packaging, or condition of apparently wholesome food that a person donates in good faith for charitable purposes. This shall not apply, however, to an injury or death of an ultimate beneficiary of the donated food that results from an act or omission of a person constituting gross negligence or intentional misconduct.”


Sa ilalim ng nasabing batas, ang ligtas at maayos na pagkain o ang “apparently wholesome food” ay tumutukoy sa pagkaing sumusunod sa lahat ng itinakdang pamantayan sa kalidad at paglalagay ng tatak ayon sa mga kaugnay na batas at regulasyong administratibo.


Batay sa nasabing batas, hindi tama ang sinabi ng iyong tiyahin. Ikaw at ang iyong mga kapamilya ay maaaring hindi managot sa kasong sibil o kriminal, basta kayo ay magbibigay ng pagkaing maayos at ligtas kainin nang may mabuting hangarin at para sa layuning pangkawanggawa.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyong iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay.


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page