top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Away nina Romualdez at Zaldy Co sa kickback, patunay na masiba sila sa pera ng bayan

Writer: BULGAR
BULGAR
3 days ago
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | October 17, 2026



Prangkahan ni Pablo Hernandez


FORMER SPEAKER ROMUALDEZ AT EX-CONG. ZALDY CO PAREHONG MASIBA SA PERA NG BAYAN KASI MAY PINAG-AWAYAN PALA SILA PATUNGKOL SA KICKBACK SA FLOOD CONTROL SCAM — Sa testimonya ni Rodante Orbillio sa Sandiganbayan ay minsan raw ay narinig niyang nag-away sa telepono ang dati niyang amo na si former Ako Bicol partylist Rep. Zaldy Co at si dating Speaker Martin Romualdez patungkol kickback sa flood control projects scam.


Maaaring totoo ang sinabing iyan ni Orbillo kasi ang mga politicians na "masiba" sa pera, ang kadalasang pinag-aawayan ay partehan sa ini-scam nilang pera ng bayan, boom!


XXX


TESTIMONYA NI ORBILLO NA TINANGGIHAN NIYA ANG ALOK NA P20M, MAITUTURING NA KALOKOHAN AT KAYABANGAN — May mga testimonya si Orbillo na makatotohanan at may testimonya rin na napakahirap paniwalaan.


Ang mahirap paniwalaan ay 'yung testimonya niya na may nag-alok raw sa kanya ng P20 million para huwag lang tumestigo laban kay Romualdez, pero hindi raw niya tinanggap.


Kung ang alok ay P20k o kaya P200k na kanyang tinanggihan ay kapani-paniwala pa 'yun, pero 'yung P20M na tinanggihan daw niya dahil para raw sa bayan ang ipinaglalaban niya, aba'y malaking kalokohan na 'yun, kayabangan na 'yun, he-he-he.


XXX


CONG-TRACTOR NA SI EX-CONG. GONZALES KINASUHAN NA — Sinampahan na ng Ombudsman ng tatlong kasong graft si former Pampanga 3rd District Rep. Aurelio Gonzales patungkol sa conflict of interest na may kaugnayan sa mga infrastructure projects sa nasasakupan niyang distrito na ang mismong construction firm niya ang nakakakuha ng kontrata.


Patunay 'yan na ito palang si Cong. Gonzales ay isang "Cong-Tractor," boom!


XXX


MAGKAPATID NA CONG-TRACTOR NASI BENGUET REP. ERIC YAP AT EX-CONG. EDVIC YAP DAPAT KASUHAN NA PARA MAKULONG NA SA CITY JAIL — Ang magkapatid na Benguet Rep. Eric Yap at former ACT-CIS partylist Rep. Edvic Yap ay kabilang sa tinaguriang "Cong-Tractor," pero ang kataka-taka na hanggang ngayon ay wala pang isinasampang kaso sa magkapatid na politicians na ito.


Dapat apurahin na ni Ombudsman Boying Remulla ang pagsasampa ng kaso sa magkapatid na ito para makulong na rin sila sa city jail, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page