top of page
Search
  • BULGAR

Mangrobang, double gold; Wong, naka-ginto sa Taolu

ni VA / MC / GA - @Sports | May 16, 2022



Nakabawi si Filipina wushu athlete Agatha Wong sa Taijijian (taolu) event, habang tagumpay din sa ikalawang gintong medalya si Kim Mangrobang sa women’s duathlon upang bigyan ng magkasunod na gintong medalya ang Pilipinas sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Nabigong madepensahan ng 23-anyos na Filipina-Chinese na si Wong ang kanyang Taijiquan (taolu) event nitong nagdaang Sabado para magtapos sa silver medal, ngunit hindi ito pumayag na mawala pa ang isang titulo sa kanyang baywang nang makuha ang 9.71 puntos para higitan sina Thi Minh Huyen Tran (9.70) at Thi Kieu Trang Tran ng Vietnam para sa silver at bronze medal, ayon sa pagkakasunod.

I’m so thankful. We must remember na may pandemic. Kaya yung kahapon I was thankful naka-silver ako. Kahit bronze pa ‘yan I’d still be thankful,” wika ni Wong na inaasahan niyang mahihirapang manalo dahil sa maigsing panahon ng paghahanda at pagsasanay sa kanilang bubble training camp sa Manila. “I miss my family,” dagdag ni Wong.

Nabigyan niya ng kauna-unahang ginto ang wushu team kasama ang dalawang silvers at isang bronze medals.

Samantala, wala pang 24 oras matapos na magwagi ng ikatlong korona sa triathlon, nagreyna si Kim Mangrobang sa women’s duathlon kahapon, unang Pinoy athlete sa Vietnam 31st SEAG para sa back-to-back gold medals. “I prepared very well in two events, that's why I’m really happy with the result. I focused on my recovery and my conditioning coach, Annie Brown, did a beautiful job,” saad ni Mangrobang, na masusing nagsanay kasama ng national team sa Portugal.

Ang dobleng karangalan na hinatid sa bansa ay tsansa na niya para sa lalahukang duathlon race sa World Games sa Alabama, USA sa Hulyo 7. Sasabak din siya sa Asian Games 2023 at pakay ang slot sa Paris 2024 Olympics.

Babalik siya ng Pinas ngayong Lunes para makapagpahinga matapos ang makasabog-bagang 1.5K swim, 40K bike at 10K run sa triathlon event noong Sabado at sa duathlon standard distance na 10K run, 40K bike at 5K run. Makakatanggap si Mangrobang ng P600,000 bilang insentibo mula sa Philippine Sports Commission na pumondo sa kampanya ng national team. “I still don’t know what to do, maybe I’ll put it in the bank first,” ani Mangrobang, na nagreyna sa triathlon events noong 2017 at 2019 games.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page