top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Sa mga pasabog ng aktor vs. Jennylyn… ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY

Writer: BULGAR
BULGAR
43 minutes ago
3 min read

ni Vinia VIvar @Frankly | October 2, 2026



FRANKLY - ANAK NI PATRICK, LALONG NA-BASH AT NA-BULLY-IG _onlypatrickgarcia

Photo: -IG _onlypatrickgarcia



Naglabas ang Star Magic ng official statement upang i-address ang kaliwa’t kanang bashings na natatanggap ngayon ng isa sa kanilang mga artists na si Michelle Garcia.


Pinuputakti ngayon ng mga bashers ang 13-year-old daughter ni Patrick Garcia matapos ngang lumabas ang interview ng dating aktor sa vlog ni Ogie Diaz kung saan ay inihayag niya ang aniya’y kanyang side of the story sa naging hiwalayan nila ni Jennylyn Mercado halos may dalawang dekada na ang nakalipas.


Ayon kay Patrick, ang anak niyang si Michelle ang nag-udyok sa kanya para lumabas at magsalita dahil lagi raw umano itong naba-bash because of him dulot na rin ng kontrobersiyal na relasyon nito noon with Jenn na nagbunga ng isang anak, si Alex Jazz na nasa poder ng aktres.


Subali’t hindi nagustuhan ng mga supporters ni Jenn ang mga naging pahayag ni Patrick na in an attempt na protektahan ang kanyang teenage daughter ay sinira at winasak naman niya ang ina ng panganay niyang anak.


Maging ang mga non-supporters ng aktres ay nakisimpatya sa kanya at kinuyog nila talaga si Patrick. Damay din si Michelle na lalo pa tuloy na-bash after the interview.

Sa post ng Star Magic sa kanilang social media account kahapon ay umapela ang talent management na huwag nang idamay pa si Michelle sa mga issues concerning adults na naganap bago pa man ito ipanganak.


“Star Magic is deeply concerned about the hurtful comments directed at our artist Michelle Garcia, who is only 13 years old.


“We ask the public to refrain from involving Michelle in matters concerning adults that happened before she was born,” saad ng Star Magic.


Nagbigay din ng babala ang talent management na nakahanda silang gumawa ng kaukulang legal na aksiyon sa mga taong patuloy na mangha-harass kay Michelle.

“We are prepared to take appropriate action against those who continue to harass Michelle, in accordance with laws protecting children from abuse and libel.


“We continue to support Michelle and look after her well-being,” saad ng statement.

Sa totoo lang, sobrang unfair and uncalled for na idamay si Michelle sa past issue ng kanyang ama at ni Jennylyn. She is a completely innocent child who has absolutely nothing to do with the history of the adults involved.


Mismong si Jennylyn and her management, Aguila Entertainment, already made a public appeal to stop the hate. Kung ang mga taong mismong sangkot sa isyu ay gustong protektahan ang bata, the public should respect that and draw the line.

Family issues should never be used as an excuse to bully an innocent child.





Pati anak nila, idinamay pa… 

PATRICK, BUGBOG-SARADO SA KADALDALAN AT PANINIRA KAY JENNYLYN



Still on Patrick, bugbog na bugbog ngayon ang dating Tabing Ilog (TI) actor sa mga netizens matapos siyang magpa-interview kay Ogie Diaz.


Hindi rin namin talaga alam kung ano ang pumasok sa isip niya para buhayin pa ang nakaraan na matagal nang nakabaon para i-address ang mga bashing na natatanggap ng kanyang anak.


Ang daming ways para sagutin ang mga bashers na walang sinisirang ibang tao. 

Sa halip na nakiusap na lang sana siya sa publiko o ‘di kaya ay ikuwento ang mga good qualities ng kanyang anak, mas nag-focus siya sa paninira kay Jen at in the process ay idinamay pa niya ang isa pang walang kamalay-malay na si Jazz na anak din niya.


Kung sana ay nag-focus na lang siya sa kanyang sariling pamilya at hindi na nandamay pa ng ibang nananahimik na pamilya, wala sanang issue ngayon at hindi siya maba-bash nang ganito katindi to the point na pati mga lumang interviews ng yumao niyang ina ay hinalukay na ng mga netizens.


Wala bang nagpayo kay Patrick na ever since, hindi gusto ng mga tao ang lalaking madaldal at naninira ng babae lalo pa nga’t dating karelasyon?


Lalo pa ngang umani ng simpatya si Jenn nang piliin niyang manahimik na lang at huwag sagutin si Patrick bilang respeto sa privacy ng kanyang pamilya at sa pamilya ng dating aktor.


Unsolicited advice namin kay Patrick, make a final statement na hindi defensive, walang bagong pasabog at naka-focus lang on protecting his children and putting an end to the issue.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page